4

821 20 2
                                    

Hate

"Thank you for being such a good girl, my princess." Mommy lean closer to me and kissed my head.

And the very next day after breakfast, wearing my usual white spaghetti dress, I took Hezekiah Nigel Agustin De Alteiri for a walk on our beach resort.

"Good morning, Tilly." Bati sa akin ng mga bangkero na nadaan namin.

"Good morning din po." Bati ko rin sabay kaway sa mga nakatatanda.

Madami pa ang bumati sa akin at binabati ko pabalik dahil halos kakilala ko naman lahat. Habang abala ako, nakasunod lamang sa akin si Hezekiah.

I'm not talking to him and just letting him follow me on whenever I'm going. Wala rin akong balak na ipaliwanag sa kanya ang kung ano-ano dito sa isla dahil wala ako sa mood. Bahala siya. Mukha naman siyang matalino kaya alam niya na iyon.

"Tilly!"

May tumawag sa akin na mga kalaro kaya kaagad akong tumakbo papunta sa kanila.

"Hi, Tilly." Bati nilang lahat.

"Hello. Anong nilalaro niyo? Sali ako."

"Sige, sali ka sa amin."

Tuwang-tuwa akong nakipaglaro sa mga kapwa bata at hindi na namalayan ang lumipas na minuto. Kung hindi pa ako tinanong ng isa sakanila tungkol sa kasama ko ay hindi ko na talaga maaalala.

"Tilly. Sino iyong lalaki na kanina pa nakatingin sayo?"

Nilingon ko kung saan silang lahat nakatingin at nakita ang madilim na tingin sa akin ni Hezekiah.

Crap! I forgot that he's with me.

"Kasama mo siya, 'di ba? Kamag-anak niyo, Tilly?"

Umiling ako. "Hindi kami magkaano-ano. Uh, aalis na ako..."

"Ayaw mo na maglaro?"

"Next time nalang ulit." Turan ko tapos naglakad na pabalik sa naiwan kong kasama.

Nakaramdam ako ng kaonting kaba habang palapit sa kanya. Pero hindi niya naman siguro ako pagagalitan or something, 'di ba? Because just like what he said, I'm still a child. Sino ba namang bata ang hindi madidistract kapag nakakita ng mga kalaro.

"I'm done playing. Let's go." Natural ko lang na sinambit, hindi nagpakita ng kahit kaonting kaba.

Napaangat ako ng tingin nang mapansing hindi siya nagreact.

"You can't just leave me like that."

Kahit tirik na tirik ang init ng araw, naramdaman ko ang lamig ng kanyang boses.

"I'm sorry, I got distracted."

I want to say that but nothing is coming out of my lips.

Napakagat na lamang ako sa pangibabang labi ko habang nakahawak sa saya ng aking bistida.

"Are you still mad at me because I took your macaroon?"

"No!" Agap ko dahil iyon naman ang totoo.

Ayokong isipin niya na dahil sa walang kuwentang bagay ay ganito ang inaasta ko sa kanya. It's just macaroons. I still can eat it again.

"Then why did you do that? You supposed to be touring me around but you leave me to play with your friends?"

His voice is getting louder. I'm about to cry but I tried not to.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon