11

694 21 0
                                    

Selos

"Anong maipaglilingkod ko sa Island Princess?" Ate Kristel teases me.

Pinauna kong bumalik si Hezekiah sa resort tapos pumunta ako sa bahay ni ate Kristel. Malapit lang naman ito sa beach kaya mabilis lang akong makakabalik.

Pero bumalik naman kaya iyong De Alteiri na iyon sa resort? O baka kina Olivia siya bumalik. Huh! Bahala siya sa buhay niya, malaki na siya.

"May pagkain kayo, ate? Nagugutom na ako eh."

Dahilan ko lang kanina iyong gutom na ako kaya gusto ko nang bumalik, nagkatuto na pala.

"Kayo itong may resort at restaurant tapos dito ka maghahanap ng pagkain sa akin?" Mataray ngunit natatawang untas ni ate.

"Sige na, please?" I showed her my pretty please smile.

Inirapan naman ako ni ate Kristel. "Sige. Pero dyan ka lang at tignan-tignan mo muna si Kyle nang makapagluto ako."

"Okay, ate."

Iniwan ako ni ate Kristel sa sala nila at nagpunta sa kusina. Kasama ko ang anak niyang almost five years old na ngayon.

After niyang magpart time sa Isla Sanseverino six years ago, nagtungo na siya sa Manila para ipagpatuloy ang college, pero makalipas lang ang ilang buwan ay bumalik na ulit dahil nga nabuntis siya kay Kyle. At kapag hindi ko siya nakikita sa front desk, alam ko na agad na day off niya kaya kapag may oras ako ay pumupunta ako sa bahay nila para makipaglaro na rin kay Kyle.

Makalipas ang mahigit kalahating oras, natapos nang magluto si ate Kristel kaya tinulungan ko na siya sa paghahain. Pinahiram niya rin ako ng damit habang pinapatuyo ko pa ang rashguard ko sa sampayan nila.

"Balita ko nasa Isla Sanseverino na ang future husband mo, ah?"

Halos mabuga ko ang kaning sinubo dahil sa sinambit niya.

"Anong future husband, ate? Ni-hindi ko nga boyfriend 'yon." Usal ko.

"Kaya ka ba nandito dahil hindi mo naman boyfriend? Wala kang rason para samahan siya, ganoon ba?"

"Okay lang naman na hindi ko siya samahan dahil marami namang willing na sumama sa kanya."

Binalik ko nalang ang aking atensyon sa kinakain para matapos na ang usapan na iyon.

"Oh, gets ko na. Nandito ka kasi iba ang kasama niya, ano?"

I paused for a bit, pero agad ding bumalik sa ginagawa.

"Tandang-tanda ko pa rin iyong itsura mo noong may humaharot sa kanya doon sa beach noong eight years old ka. Hanggang ngayon ganyan ka pa rin kung magselos."

Tuluyan na akong natigil at marahas na napatingin kay ate Kristel. "Hindi ako nagseselos, ah!"

Bahagyang nagulat ang mag-ina sa paglakas ng boses ko.

"Okay, kalma. Gulat naman kami ni Kyle sayo eh." Ani ate Kristel sabay tawa.

"Hindi naman kasi talaga ako nagseselos. Naiinis lang ako kasi tuwing nandito siya palagi nalang may mga babaeng lalapit sa kanya."

"Hindi ba ganoon din iyon?" Kunot noong tanong ni ate.

Nagkibit lang ako ng balikat.

"So ano ngang nangyari? Ikuwento mo kaya para malaman ko."

Nakatitig ako kay ate Kristel ng ilang segundo bago huminga ng malalim at kuwenento na sa kanya ang nangyari kanina.

"Naku, alam mo ba iyong mga ate niyang si Olivia na kabatch ko, ganyang-ganyan din kapag nakakikita ng mga guwapo, lalo na taga-Maynila. Nasa lahi na ata nila 'yan eh." Si ate Kristel pagtapos kong magkuwento.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon