20

713 17 1
                                    

Apologies

"I wanna go home! Mommy! Daddy!" Sambit ko habang umiiyak pa rin.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak noong oras na iyon, pero nang tumigil ay nakaramdam ako ng gutom kaya kinain ko ang macarons na ibinigay ni Hezekiah at ininom ang banana milk. Pagkatapos kong kumain, inantok naman ako kaya nahiga sa sofa at doon na nakatulog.

I woke up and felt like going to the restroom. Naghanap ako sa paligid pero walang banyo sa kwarto kung nasaan ako. So I decided to go out, baka meron naman sa malapit.

I slowly opened the door and looked around first. Walang tao sa paligid at mukhang hindi pa rin tapos ang meeting nila Hezekiah.

I don't want to disturb them so I'm going to search for a restroom on my own.

Pero kahit medyo malayo na ako sa room kung na saan ako kanina at kung na saan nagmemeeting sila Hezekiah, wala pa rin akong nakikitang banyo.

"Matagal pa naman siguro sila matatapos..." bulong bulong ko sa sarili.

Nagdesisyon akong umalis sa floor kung na saan ako para maghanap ng banyo sa ibang part nitong campus. Pagbaba ko sa ground floor, isang empty hall naman ang mayroon. Wala pa ring restroom.

I went out of the building. Saktong may nakasalubong akong nagwawalis na babae kaya naisipan kong magtanong na.

"Excuse po. Saan po ang restroom dito?"

"Ah, doon, bhe, sa building na iyon..." Sagot ng babae habang nakaturo sa sinabing lugar.

"Salamat po."

Pumunta ako sa itinuro noong babae at mabilis ko namang nahanap ang cr.

Binilisan ko ang lakad ko pabalik sa building kung na saan si Hezekiah dahil baka matapos na ang meeting nila at makita niyang wala ako sa kwartong pinagiwanan niya sa akin.

"Baka magalit na naman iyon..." I whispered to myself while walking.

At sa pagmamadali ko, biglang may sumulpot na dalawang lalaki sa harap ko kaya nabangga ako sa isa sa kanila.

"Ouch," Daing ko habang hinahaplos ang noo. Tumama kasi iyon sa dibdib noong lalaki.

"Oh, sorry. I didn't see you."

Tumingala ako para tignan ang nagsalita. Iyon 'yong lalaking nakabanggaan ko. Kasing tangkad sila ni Hezekiah at siguro' y kasing edad din. Halos pareho rin ng pangangatawan.

"Are you okay, miss?" Tanong naman noong isa.

The first guy who speaks is wearing a pilot uniform, the other one is wearing a I think is a military uniform.

The pilot guy looks rougher than the military guy. Pareho silang may itsura, pero mas guwapo pa rin si Hezekiah.

"Bakit pala may grade schooler dito?" The pilot guy asked his friend.

The military guy didn't say anything, nakatitig lang siya sa akin.

"Okay lang ako." Sambit ko dahil feeling ko hinihintay niya ang sagot ko kaya siya nakatitig sa akin.

"Tiana!"

Bago pa ako makalingon, bigla nang may humatak sa akin. Alam ko agad kung kaninong boses iyong tumawag sa akin, but I still turned to him just to make sure.

"Nigel..." I breathe.

"Hindi ba sinabi kong wag kang aalis doon?" He said as his jaw clenched.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon