10

765 24 0
                                    

Good

"Good job, Tilly. Mas lalo kang gumaling."

The kuya who's driving the jet ski offered his hand to me so I can climb up.

"Thanks, kuya."

Tinanggap ko ang kamay niya at sumampa na sa jet ski.

I'm so happy and proud of myself. Before kasi I usually go fifteen miles per hour, but now I surfaced my record and speed up to twenty miles per hour at sobrang masaya kapag pabilis na nang pabilis.

"Did you see how fast I am, Nigel?"

Hindi ko napigilan ang excitement pagbalik namin sa floating dock. Nakita ko tuloy sa mukha ni Hezekiah ang bahagyang pagkabigla din sa sigla ng boses ko.

"Uh, I-"

"I saw..." His low baritone is giving me perculiar feelings. "I'm watching you."

Dahan-dahan akong bumaling sa kanya at naabutan siyang nakatingin na sa akin.

That eye to eye staring contest took a minute or more before he ended it because siya na ang next sa wakeboarding. Saka lamang ako nakahinga ng maluwag nang umalis na siya sa harapan ko.

Why is he always makes me nervous?

Nawala ang kalabog ng dibdib ko sa kaba nang makitang wala pang tatlong segundo si Hezekiah sa panghihila sa kanya ng jets ki ay nahulog na siya sa tubig.

Hindi ko tuloy napigilan na matawa. Natigil lang ako sa pagtawa nang umahon na siya at bumalik sa floating dock para umulit.

"Uh, are you okay?"

He didn't answer me.

"It's okay, N-Nigel. First time mo ito kaya natural lang na ganoon ang nangyari. You can try again-"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil nakita ko ang pag-igting ng panga niya. He looks mad or something.

"Ano? Isa pa, sir?" The kuya asked Hezekiah.

Tinanguan lang nito iyong lalaki tapos inayos na ulit ang sarili sa starting area ng wakeboarding.

Sa sunod niyang try, lumagpas naman ng limang segundo bago siya nahulog sa tubig. On his third and fourth try, nakatagal naman siya ng five minutes bago mahulog. But on his fifth try, he lasted for more than twenty minutes before falling into the water. He's good for a first timer.

Pagbalik niya sa floating dock, mabilis kong dinampot ang isa sa mga tuwalya naming dala at iniabot ito sa kanya.

"You did,uh, well back there, kahit first time mo..."

Hindi siya sumagot pero kinuha niya naman ang iniabot kong tuwalya kaya hindi ako napahiya.

"Gusto mo pa ba dito or try naman tayo ng iba?"

I'm talking and smiling at him while he's busy wiping his wet hair with the towel I gave.

"Let's try a different one..."

"Ah, okay."

Naglakad na siya paalis kaya kaagad akong sumunod.

"Tilly!"

Napatigil ako sa paglalakad at napalingon dahil sa narinig na tumawag. Ganoon din si Hezekiah.

"Olivia?"

Nakita ko ang kaklase ko kasama ang tatlo pa niyang kaibigan. Kumaway si Olivia sa akin tapos patakbong lumapit.

"Hi, Tilly." Bati niya.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon