35

1.2K 33 0
                                        

Bed

"Oops. Sorry, miss. Okay ka lang?"

Papunta ako ng restroom nang may makabangga akong lalaki. Kailangan kasing dumaan sa dancefloor para makarating sa kabilang dulo ng club. Sa dami ng tao medyo nahirapan na akong maglakad.

"I'm okay. Sorry din." Sambit ko.

"You sure? I think you're drunk. Where are you going?"

Nakakunot noo kong tinignan iyong lalaki. Hindi ko siya sinagot at aalis na sana pero bigla niya akong hinawakan sa braso kaya napasinghal ako.

"Excuse me...What are you doing?"

"Sasamahan na kita. Saan ka ba pupunta?" He's smiling but I don't feel comfortable.

"No, thanks."

I removed the guy's grip on me and then walked straight.

Hindi ko na nilingon pa ulit iyong lalaki, mabuti nalang din dahil hindi niya ako sinundan o kung ano.

Saktong pagdating ko sa restroom ay lumabas naman ang mga babaeng nauna sa akin kaya ako nalang ang mag-isa doon.

I looked at myself on the mirror after washing my hands. Damn. Even I have tan skin, the redness in my face is so visible because of the alcoholic.

Lumabas na ako ng restroom at balak nang sabihan sina Miel at Rei na umuwi na kami dahil anong oras na rin, pero nasa hallway palang ako, may nakaabang na sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Wala sa sarili kong tanong dahil sa pagkabigla.

Hezekiah's eyes pierced into mind.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan? You didn't even answer my calls."

Oh damn. I forgot my phone on Miel's car.

"Nakalimutan ko sa sasakyan..."

Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Umuwi na tayo."

When I heard his low baritone, I knew that he was angry. Tinignan ko siyang maigi. Iba na ang itsura niya noong umalis siya para sa trabaho kanina. Tho same slack and white shirt pa rin, wala na ang suit niya at necktie. Bukas na ang tatlong botones ng damit niya at nakatupi naman ang sleeves nito hanggang siko. Medyo magulo rin ang kanyang buhok at tila malalim ang bawat paghinga.

I wanna ask him if he's alright, but I did not dare to, especially when I knew that he's mad at me.

"Hindi puwede!" Mabilis kong alma nang maalala ang mga kasama.

Mas lalong kumunot ang noo ni Hezekiah at mas lalong napatitig sa akin.

"I'm with Rei and Miel. Hindi ko sila puwedeng iwan at ba-"

Crap.

I paused when I realised what I said. Hindi ko na sinubukang tumingin pa ulit sa mga mata ni Hezekiah dahil alam kong narinig niya nang malinaw ang sinabi ko.

I'm sorry, Miel.

"With who, Tiana?"

Napalunok ako at napakagat nalang sa labi.

"Let's go. I'll call someone to pick them up."

"But-"

"You shouldn't be here in the first place."

Hindi na ako nakaalma nang higitin na ako ni Hezekiah palabas ng club. Pagkalabas namin ay nandoon na rin ang kotse niya sa harapan ng club. Inabot na rin sa kanya ng valet ang susi nito.

Drowning In Your LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon