41

741 21 3
                                    

Remember

"Mimi, I'm hungry."

Katahimikan ang bumalot sa buong silid dahil sa ginawang iyon ni Hezekiah sa aming anak, we just got interrupted because of Tracey's demand.

"Okay, love. What do you want to eat?" Tanong ko.

Hezekiah step back to give us space.

"Stefano made macarons, Mimi. I wanna eat macarons. Please."

"Uh, nakasalubong kasi namin si Kristel and nabanggit niya kay Tracey iyong bagong gawa ni chef Stefano na macarons." Paliwanag ni mommy.

Napabaling ako kay Hezekiah. Kanina habang pinagmamasdan niya si Tracey, payapa ang mukha niya, pero ngayong binanggit nito ang kanina naming pinagtatalunan ay tila dumilim na naman ang kanyang ekspresyon.

"Sure, anak. But we're going to eat macarons after dinner na, okay?" Nakangiting kong untas sa anak.

"Mm!" Tracey excitedly respond.

"I'll excuse myself now, mama."

Lahat kami ay napabaling ulit sa nagsalitang si Hezekiah.

"Oh. Hindi ka ba sasabay sa amin magdinner, Hez?" Si mommy.

"Sa susunod nalang po. I have things to do tonight."

Tumango-tango si mommy. "Alright. See you around."

Hezekiah showed my mother a small smile before turning to me, pero hindi na siya nakangiti. Nakatitig lang siya sa akin tapos sinulyapan saglit ang aming anak bago nagsalita.

"Call me if you need me."

My heart throbbed.

Tumango ako sa kanya, at ganoon din siya bago tuluyang umalis.

"He still calls me mama." Pasada ni mommy sa gilid ko. Nangingiti pa na ewan.

"Mommy, hindi mo sinabi sa akin na ngayon siya dadating." Mariin kong untas.

"Tilly, hindi ko rin alam. I'm as suprise as you too." Usal ni mommy.

Napairap nalang ako sa kawalan.

Sa sumunod na araw, hindi na naulit ang usapan namin ni Hezekiah tulad noong unang araw niya dito. We still talk, pero kapag may dapat nalang pag-usapan tungkol sa resort.

Even though it's his second day here, he immediately solved some of the resort's problems. He's indeed a very genius hotelier.

Hezekiah always asked to bring his food at his villa, kaya never pa namin siyang nakasabay kahit ilang beses na niyaya ni mommy. Maybe because he's also taking care of the Alteiri Hotel and his own hotel along with Isla Sanseverino. He's a very busy man.

But everything morning, I always see him running on the beach wearing his overall black running jacket, shorts and shoes from Nike.

Noong pangalawang beses ko lang nakompirma na siya talaga iyong tumatakbo dahil akala ko noong unang beses nag-iimagine lang ako.

"Kaya naman pala good ang morning ng Ma'am Tilly dahil masarap ang almusal."

Halos mabuga ko ang iniinom na kape dahil sa biglang pagsulpot ni ate Kristel, isang umaga habang nagkakape ako at nakatanaw sa beach.

I put down the cup and cleared my throat. "Morning, ate."

"Ay walang good?" Pang-aasar niya pa lalo.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon