15

692 21 0
                                    

Stranger

"Tulog pa ba si Tilly?"

Isang doorbell at boses ni tita Hermoine ang nagpagising sa akin kinabukasan.

It's still seven pagkatingin ko sa wall clock, pero gising na ata ang mga De Alteiri. Bumangon na rin ako para makapagayos na bago lumabas ng kwarto.

"Hindi mo man lang ba siya hihintaying magising bago ka umalis, Hez?"

I can still hear tita Hermoine's voice from the outside.

Aalis si Hezekiah?

Ayoko sanang makialam sa usapan nila pero hindi ko naman napigilang hindi makinig. Naglakad ako sa pinto para mas marinig ang nasa labas.

"Magkikita rin naman kami mamaya, ma. I'll be home in Tagaytay before dinner."

"Siguraduhin mo lang, Hezekiah Nigel. First day na first day dito ni Tilly sa Maynila tapos aalis ka naman."

"Hindi lang naman ito ang araw na nandito siya, 'di ba?"

"So what do you mean? Sasamahan mo lang siya kapag last day niya na dito sa Maynila?"

"No, ma..."

"Hayaan mo nang umalis ang anak mo, Hon. Importante naman ang lakad niya, plus he promised to come home before dinner. Right, Hez?"

"Yes, dad. And Tilly won't really need me, I know you can entertain her by yourself, ma."

"Fine. Pero dapat sa mga susunod na araw wala ka ng lakad, ah. I'm sure Tilly will be happy if you're with her the whole time she's here with us."

I feel a sudden heat rushing down my face when I heard what tita Hermoine said.

I mean, it's not true, okay lang sa akin na umalis si Hezekiah kung iyon ang gusto niya. Pero okay lang din kung hindi siya aalis habang nandito ako sa Manila.

"Okay, ma. I'll go now."

"Take care, son."

"You too, dad."

Narinig ko ang pagbukas at sarado ng pinto, hudyat nang pagalis ni Hezekiah.

"Let's wake up, Tilly. The breakfast is ready."

Pagkarinig ko nang sinabi ni tita Hermoine, dali-dali akong bumalik sa kama at nagtaklob ng kumot para hindi nila malaman na gising na ako at narinig ko lahat ng usapan nila! I close my eyes tightly when I heard a knock on the door.

"Tilly, are you awake?"

I didn't respond at first. Nang maramdaman ang mas paglapit ni tita Hermoine ay dahan-dahan na akong dumilat. Tita Hermoine's angel like smile greeted me.

"G-Good morning po."

"Good morning, Tilly. Let's go have breakfast na?"

I nodded while smiling at her.

We had an American style breakfast. Tita Hermoine and tito Nicolas had their coffee while I had my orange juice.

Habang kumakain kami ay panay ang kuwento ni tita Hermoine sa mga lugar na gusto niyang puntahan namin. Tahimik lang akong nakikinig.

"May inasikasu lang si Hez sa school..."

Napaangat ako ng tingin kay tito Nicolas nang magsalita siya bigla, pinutol ang pagkukuwento ni tita Hermoine. Tita looked at her husband too.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon