23

648 18 2
                                    

Engage

"Bakit ngayon niyo lang po ito sinabi?" Tanong ko sa aking magulang nang makabawi sa pagkakabigla.

"Because Hezekiah told us to, anak. Masyado ka pa raw bata at baka mapressure ka dahil iyon ang gusto naming mga nakatatanda para sa inyong dalawa." Mommy answered.

"Hez considered your feelings so he don't want us to mention it to you..." Dad added.

"Kami lang naman ng tita Her at tito Nico mo ang nagsuggest nito. Kung ayaw mo ay okay lang din naman, Tilly. Akala ko lang kasi nagkakamabutihan na kayo ni Hez kaya sinabi ko sa dad mo na ipaalam na namin sayo ngayon." Sambit ni mommy.

Nagkakamabutihan? Kami ni Hezekiah?

Hindi ko man iniisip kapag magkasama kami, pero kapag magisa nalang ako, minsan napapatanong din ako sa sarili ko kung ano nga ba talaga kami. Gusto niya rin kaya ako tulad nang pagkakagusto ko sa kanya, o kapatid lang talaga ang turing niya sa akin?

I've never question that when we're together dahil kahit kailan naman hindi pinaparamdam sa akin ni Hezekiah na kailangan ko ang higit pa sa ipinapakita o ginagawa niya para sa akin. I'm contented on what we have right now, lalo na dahil mas naging close kami sa isa't isa.

"Tilly..."

Napaangat ako ng tingin kay daddy.

"Puwede kang tumanggi kung ayaw mo. Hindi ka namin pipilitin. But I just want you to know that I trust Hezekiah kaya gusto ko rin na siya ang makasama mo habambuhay."

"Your tita Hermoine and tito Nicolas came from an arranged marriage too..."

Natuon ang atensyon ko kay mommy dahil sa sinabi niya.

"Kaya alam ko kung gaano naging mahirap para kay Her ang lahat, at ayaw namin mangyari iyon sayo. But I saw how much Hezekiah cares for you, how much he cherish you. It's very different from what your tito Nicolas made your tita Hermoine felt on the beginning of their marriage."

"Mommy, I like Nigel. But he's not my...boyfriend."

Parehong natahimik sina mommy.

"What if he likes someone else? And paano kung..." I paused when I remember something.

Naalala ko iyong sinabi ni tita Hermoine sa tuwing pumapayag si Hezekiah sa gusto niya. Ang dami na agad pumasok sa isip ko na puwedeng dahilan nang pagpayag niya. Isa na rito ang baka sinabihan siya ni tito Nicolas na hindi ipapamana sa kanya ang Alteiri hotel kung hindi siya sumunod sa gusto ng mga ito na ipakasal sa akin.

Alam ko kung gaano kahalaga kay Hezekiah ang hotel nila. Kaya nga siya nagaaral nang mabuti dahil gusto niya pang mapaganda ito. Kaya hindi imposible na ganoon ang dahilan ng pagpayag niya sa arranged marriage na ito.

"Paano kung napilitan lang siya dahil iyon ang gusto ng mommy niya?"

"Tilly..." Si mommy.

"This is a serious matter, Tilly..." Daddy cutt what mommy's about to say. "And I don't think Hezekiah will agree to this if he doesn't really want this too."

Dad has a point. But it doesn't mean na puwede ko nang balewalain ang mga nasa isip ko. Hinawakan ni mommy ang dalawa kong kamay kaya napasulyap ako sa suot na bracelet.

"Do you want us to talk to Hezekiah about this again? Puwede tayong pumunta sa Manila para mas mapagusapan ito ng maayos." Untas ni mommy.

Kaagad akong umiling. "I'll talk to Nigel first, mom."

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon