7

762 22 3
                                    

Girlfriend

"Tilly, look oh..."

Olivia, one of my girl classmate went to me to show me something on her cellphone. It's ten minutes before the lunch break ends.

"You know them, 'di ba?"

Tinignan ko ang nasa screen ng phone ni Olivia at nakita ang isang article tungkol sa patuloy na paglago ng Alteiri Hotel & Resort.

Ang article ay may kasama ring family picture nina tita Hermoine, tito Nicolas at ang eighteen or nineteen years old na ngayon na si Hezekiah Nigel De Alteiri.

Ilang taon na ang nakakalipas simula nang magbakasyon ang kanilang pamilya sa Isla Sanseverino. Simula noon ay sa mga news article gaya ng ipinakita ni Olivia nalang ako nakakarinig ng balita tungkol sa kanila.

Hindi na rin kasi masyadong nakakapag-usap sa phone sina mommy at tita Hermoine dahil parehong naging mas busy. Nagkakukumustahan pa rin naman pero hindi na humahaba ang usapan.

"Yeah. They're family friend." Tipid kong sagot kay Olivia.

I'm arranging my stuffs to get ready for the next class.

"Sabi college student na raw ngayon ang heir ng De Alteiri. Do you still communicate with him?"

I paused and looked at Olivia. I've already seen this article that she showed me. Hindi ito ang unang pagkakataon dahil ipinakita na ito sa akin ni mommy noong isang araw. But it's the first time I saw Hezekiah's face again after about five years.

It's only a picture but I can tell that he's much taller than the last time I saw him. Well, thirteen palang naman siya noon kaya malamang ay mas tumangkad na siya ngayon. He have the same height as tito Nicolas now.

Mas lalo lamang nadepina ang features ng kanyang daddy sa kanya ngayong mas tumada na siya. Attractive, refined, smart and well-proportioned. You can already tell that he's going to be a successful man in the near future.

But for me, he became more intimidating than the last time. Mas lalo lamang sumeryoso ang expression niya, tapos sa lahat pa ng mga litrato niya sa Internet ay wala ni isang nakangiti siya.

"It's been years since I last talk to him, so no..."

Binalik ko nalang ang aking atensyon sa kaninang ginagawa.

"Siguro ang ganda ng girlfriend nitong si Hezekiah De Alteiri. Sobrang guwapo niya kasi eh."

My heart beats suddenly slowed down. Muli ay napahinto ako. Pero hindi na nag-angat pa nang tingin sa kaklase.

Ilang sandali akong nakatigil lang habang nakatitig sa librong hawak hanggang sa dumating na ang teacher namin. Bumalik na si Olivia sa kanyang upuan kaya naman inayos ko na rin ang aking sarili.

Hindi ko din alam kung bakit ganoon ang naging reaction ko nang marinig ang tungkol sa girlfriend ni Hezekiah.

Do I feel bother about it? I don't know! Ni hindi ko nga alam kung may girlfriend ba talaga siya at saka wala naman akong pakealam.

Ilang taon pero hindi man lang siya nakipag communicate. Ganoon na ba talaga siya kabusy para makalimutan ako?

Well, I can't communicate with him because until now I still don't have my own phone. Sabi ni mommy kapag sixteen na raw ako ay puwede na akong magkaroon ng cellphone and I don't really care about it. I can use the computer or laptop naman kung kailangan kong magresearch ng homeworks.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon