33

604 19 0
                                    

Zero

"You came here today to affirm your love for one another and formally acknowledge that which your hearts already knew..." Father stated as the ceremony's about to end.

"That your lives are meant to be shared as one, that you are stronger together than you are apart, and that, for all your days yet to come, you wish to share together all life's joy and challenges, committed one to the other...I now pronounce you Husband and Wife!"

Nagharap kami ni Hezekiah. Nagsipagtayo at nagpalakpakan naman ang aming mga bisita.

"You may now kiss your bride, Hezekiah." Father told my husband.

I smiled at him and he gentle smiled back at me too before kissing me softly on the lips.

Mas lalong umingay ang mga bisita sa munting hiyawan at palakpakan pagkatapos ng kiss namin ni Hezekiah.

Pagkatapos ng ceremony, nagtungo naman ang mga bisita sa Ball room dahil doon gaganapin ang reception. Dumiretso naman ako sa suite para magpalit ng dress. I changed into an Ivory crêpe midi dress with ruched molded cups and pleated wide straps. It also have a gorgeous asymmetric drape with a side slit. Same pa rin ang ayos ng buhok ko, dress at heels lang ang pinalitan.

"Congratulations, Hez and Tilly."

Sunod sunod ang pagbati sa amin ng mga bisita. Simpleng dinner party lang ang napiling gawin nila mommy at mama sa reception pero magarbo at elegante pa rin ang mga disenyong ginamit with the same aqua blue and white motif.

Kasama si Hezekiah, naglibot kami sa mga table para pasalamatan at ipakilala na rin sa akin ang mga business partners ng Alteiri. May ibang kilala na ako kaya hindi na ako masyadong nanibago sa mga bisita.

"Sabi ko na nga ba at kayo talaga ang magkakatuluyan eh." One of the businessman I know told us.

"Bigyan niyo agad ng apo si Nicolas at Hermoine, huh, hijo." Dugtong naman ng asawa nito.

"Maaga pa po para doon, Mrs. Perrer." Turan naman ni Hezekiah.

"Oo nga pala't magsisimula ka palang sa college, ano, hija?" Baling naman nito sa akin.

"Opo." Sagot ko, nakangiti pa rin.

Pagkatapos sa mag-asawang Perrer, bumalik na kami sa table namin dahil magsisimula na ang pagseserve ng mga pagkain. Kasama namin sa table ang aming mga magulang.

"Tilly..."

Lumapit sa table namin ang bride's maid ko na si ate Kristel kasama ang anak niyang si Kyle. Ate looks pretty with the light blue embellished lace midi dress I bought for her. Ayaw niya pa nga sana pero napilit ko siya. Mommy is the one who bought her shoes to match her dress.

"Hi ate, kumain na kayo?"

"Oo tapos na. Magpapaalam na kami kasi gusto na ni Kyle bumalik sa room. Alam mo na busangot pa rin dahil hindi raw siya ang pinakasalan mo..."

Napangiti ako at bahagyang sumulyap kay Kyle. Ilang beses niyang sinabi sa akin na gusto niya akong pakasalan paglaki niya, sumasang-ayon lang ako dahil gustong gusto kong nakikita siyang nagagalak at medyo ang sarap niya ring asarin.

"Hey buddy..."

Sabay sabay kaming napabaling kay Hezekiah nang tawagin niya si Kyle. Naikukuwento ko rin ang bata sa kanya kaya kilala niya ito.

"Makakahanap ka rin ng babaeng papakasalan mo balang araw...But your ate Tilly is only mine, okay? She's my wife." Ani nito sabay taas ng aming mga kamay na may suot ng wedding ring.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon