21

654 19 2
                                    

Talk

"Are you having fun, Tilly love?"

"Yes po, tita."

I'm talking to tita Hermoine on Hezekiah's phone.

Halos lahat ng rides ay nasakyan na namin ni Hezekiah. Hindi namin napansin ang oras kaya past lunch time na nang magdesisyun kaming kumain sa isa sa mga restaurant dito sa Sky Ranch.

"Nagulat nalang ako noong tinext ako ni Hez na babalik kayo sa Tagaytay..." Tita said.

"Ako rin po, tita..." Tugon ko sabay sulyap sa taong nasa harapan.

Hezekiah is busy looking at the restaurant's menu.

"Tapos na rin ang appointment namin ng tito Nico mo, sana pala sumunod ako diyan-"

"Hon, that's their date. Bakit susunod ka?" Boses ni tito Nicolas iyon.

Nakaramdam naman ako ng init sa mukha dahil sa sinabi niya.

Date daw? Kami ni Hezekiah nasa date? Ngayon?

Muli akong nag-angat nang tingin sa kanya. I got startled because he's already looking at me.

"Tell them that we're going to eat lunch now." Aniya.

Tumango-tango ako tapos ginawa na ang kanyang inutos. Nagpaalam na ako sa mag asawang De Alteiri. Maglalunch na rin sila kaya sakto lang na tinapos na namin ang tawag.

"Here's your phone..." Sambit ko sabay abot sa kanya ng cellphone niya.

It's a black iPhone with a black phone case.

Medyo napatigil pa ako kanina nang makita ang home screen niya. Picture iyon ng beach na kita ang langit. At kung hindi ako nagkakamali, sa Siargao iyon, sa tapat ng Isla Sanseverino.

Naisip ko tuloy na kung may sarili na akong cellphone, malamang ay ganoon din ang home screen or lockscreen photo ko.

"What do you want?" Hezekiah asked.

Tinawag niya na ang waiter para kunin ang order namin.

"Katulad nalang ng sa iyo." Sagot ko.

Kanina ko pa tinitignan ang menu pero wala pa rin akong mapili na pagkain kaya 'yon nalang ang sinabi ko.

"Two beef medallion steak and two ice tea, please." Untas niya sa waiter.

"Sure po. How about dessert, sir? Baka gusto po ni ma'am?" Ani ng waiter sabay baling sa akin.

Hezekiah also turned to me. "Do you want dessert, Tiana?"

"Oh, ah..." Mabilis akong naghanap sa menu. "Iyong Mango Jubilee nalang po."

Tumango-tango si Hezekiah sa akin bago muling bumaling sa waiter. Inabot niya na rin dito ang menu.

"And that, please. Thank you."

The waiter went back to their counter, inayos ko naman ang pagkakaupo ko at bahagyang tumikhim.

"How's the macaroons? Is it good?"

Muli akong napaangat nang tingin kay Hezekiah nang magtanong siya.

"Yeah. I like it. Masarap din 'yong banana milk...Thanks by the way." Mahina lang ang pagkakabangit ko sa huling salita.

Hezekiah nodded his head again.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon