39

664 18 0
                                    

Tired

"Tracey Hyacinth!" I called.

"Ano, anak? Wala pa rin?" Tanong ni mommy sa akin.

Bumaling ako kay mommy at umiling.

"Naku! Nawili na naman siguro makipaglaro sa mga bata sa beach." Ani mom tapos hinaplos ang balikat ko. "Wag ka mag-aalala. Hindi naman titigil ang mga security natin hanggat hindi nahahanap ang apo ko."

Tumango ako at bahagyang ngumiti kay mommy.

Kampanti ako na makakabalik sa akin ang anak ko dahil ilang beses na itong nangyari. Malingat lang ako ay kung saan saan na siya napupunta pero mabilis naman nahahanap. Nag-aalala lang ako dahil baka mapano siya habang naglalaro o ano.

"Mimi!"

I immediately turned to where I heard my daughter's voice.

I saw my almost 4 years old daughter being carried by a male guest with his wife.

"Oh my gosh, Tracey!" Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanila.

"She asked us to bring her back here." The man said pagkatapos ibalik sa akin ang anak ko.

"Buti nalang naalala ko kasama mo siya noong winelcome mo kami kahapon sa lounge." The wife added.

"Thank you so much, Mrs. and Mr. Legazpi. I'll prepare a dinner by the beach for the both of you tonight as a thank you gift."

"You don't have too. But thank you, Ms. Tilly."

I smiled at the couple. Pumasok na ulit kami sa loob ng resort pagkaalis ng mag-asawa.

"Mas makulit pa ata itong anak mo kaysa sa'yo noon, Tilly. Ikaw dati sa mga bata lang sumasama, pero siya pati sa mga matatanda." Sambit ni mommy.

Sinulyapan ko lang siya saglit tapos tumingin na ulit sa anak na busy sa pagkain ng kanyang meryenda.

Hinaplos ko ang kulot na kulot na buhok ng aking anak at mas tinitigan siya. From her hair, lips, skintone, cheeks, eyes and even her behaviors, you'll definitely tell that she's my mini me. But when she gets serious or focus, you can see his father's features at her.

I suddenly remembered the first time I found out that I was pregnant.

Maayos akong nakauwi sa Siargao noong araw na iyon, pero hindi ko sinabi kay mommy ang dahilan ng pag-uwi ko. Hindi na rin naman siya nagtanong sa mga sumunod na araw.

Sa unang buwan ko, hindi ko pinapahalata kay mommy ang problema ko, pero sa tuwing gabi at mag-isa nalang ako sa kwarto, wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak. Just like mom when she's missing daddy.

Sa mga sumunod na buwan, ganoon pa rin. Sa umaga, ayos lang ako, pero kapag gabi, doon ko nararamdaman ang sakit ng mga nangyari. Dagdagan pa ng hindi rin maganda ang pakiramdam ko kapag gumigising ako sa umaga. Hanggang sa kusa nalang sumuko ang katawan ko.

Mommy took me to the hospital one day because she caught me unconscious in my room. Akala niya natutulog lang daw ako pero kahit anong gising niya ay hindi ako gumagalaw man lang.

The doctor told us that I'm 13-14 weeks pregnant and that I fainted because of stress and my blood pressure dropping. Kung hindi raw malakas ang kapit ng bata ay maaaring nakunan din ako. That's when mommy bawled her eyes out at me.

"Dahil wala kang sinasabi sa akin, I asked Hez what's happening. May misunderstanding lang daw kayo at nangako siyang gagawin ang lahat maayos lang kayong mag-asawa. He's just giving you time, Tilly. But it's different now, anak. You're...pregnant. You have another life inside of you! Kung ipagpapatuloy mo ito, hindi lang ikaw ang mapapahamak, pati ang apo ko. So please, Tiana Lyle...Tell me what's really happening so I can help you. I'm your mother. Tayong dalawa nalang, anak. Wala na ang daddy mo at hindi ko kakayanin kung may mangyari rin sa'yo..."

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon