5

794 23 0
                                    

Quits

"Tiana!"

Nang marinig ko ang pagtawag ni Hezekiah sa akin ay mas lalo kong binilisan ang pagtakbo palayo sa kanya.

Nakabalik na ako sa resort namin, pero hindi pa muna ako pumasok. I sat down first on one of the vacant sun lounger.

As I watched the people swimming and enjoying the beach, hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa aking mata.

Sanay na akong mapagalitan ni mommy dahil alam ko namang may kasalanan ako, pero ito ang unang beses na may nagalit sa akin na ibang tao.

No one dared to get mad at me or even raised their voice at me except my mom. I felt defeated in some way. I'm so upset. And it's the worst feeling I've ever felt since my eight years of existence!

Makalipas ang ilang minuto, I decided to get back inside the resort. Habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa aking balat.

Tumingala ako at nakita ang unti-unting pagdilim ng langit, kasunod na noon ay ang biglang pagbuhos ng ulan. Nagtakbuhan ang mga taong takot maulanan at ganoon din ang ginawa ko.

"Tilly, you're back." It's my mom.

She welcomed me from the moment I entered our resort. Pinagpag ko ang kaonting basa sa aking dress dahil sa ulan.

"Where's Hezekiah?"

Napaangat ang tingin ko sa nagtanong na si tita Hermoine.

"Hindi pa rin po siya nakabalik?" I asked.

Nakatingin sa akin si tita kaya nakita ko ang pag-iling niya habang may pagaalala sa ekspresyon.

"Hindi ba magkasama kayo? Bakit hindi mo siya kasamang bumalik, Tilly?"

"I went back first, mommy..."

"What?" Bulalas ni mommy.

"What's happening?" Dumating si daddy kasama si tito Nicolas.

"Babe. Tilly went back alone. Hindi niya kasama si Hezekiah." Si mommy kay daddy.

"And it started raining...Nico..." Dugtong ni tita Hermoine sabay baling sa asawa.

"I'll look for him." Untas ni tito Nicolas.

"Wait, Nic. Sasama ako..." Ani dad tapos bumaling naman sa akin. "Tilly, where did you left kuya Hez?"

"A-At the resort next to u-us..." I started panicking, too. My voice even trembled.

Hinaplos ni daddy ang pisngi ko bago tinanguan si tito Nicolas. Tinawag ni daddy ang ilang security guard ng resort at inutusan ang mga itong tulungan silang hanapin si Hezekiah, pagkatapos ay sabay-sabay na silang nagsialisan.

Mas lalo akong nakaramdam ng kaba dahil mas lumakas ang buhos ng ulan.

"Wala namang weather report na uulan today. Bakit biglang buhos naman?" Mommy said in her panicky voice.

"I just hope Hezekiah's fine." Si tita Hermoine sa mas kalmadong boses pero kitang-kita na rin ang pagaalala.

Lumipas ang mahigit isang oras, hindi pa rin nakababalik sina daddy at tito Nicolas. Pati ang mga security personnel na inutusan ni dad ay wala pa rin.

Mommy and tita Hermoine turned to me when I suddenly cry. Iyong iyak ng bata na pasigaw at tila walang planong tumigil ano mang oras. It's my first time crying like that too.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon