Secrets
"How are you and Hez, anak?" Mommy asked.
It's the weekend. Umuwi ako para makasama siya.
"Okay lang, mom. He's busy with the hotel and I'm busy with school."
Tumango-tango si mommy. "Ang bilis ng panahon, next year graduate ka na ng college."
I just showed my mom a small smile.
"Wala pa ba kayong plano ni Hez na bigyan kami ng apo ni mama Hermoine mo?"
Ngumiti ako tapos umiling. "Saka nalang po siguro kapag naka graduate ako."
Muling tumango si mommy. Then we became quite for a moment.
"You know you can always talk to me if you're having problems with your married life, princess."
Dahil sa sinabing iyon ni mommy, napatitig ako sa kanya ng ilang sandali.
Ilang araw na ang nakakalipas simula nang malaman ko ang plano ni Hezekiah pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakakausap tungkol doon. Hinihintay ko lang din na siya mismo ang magsabi dahil baka naghahanap lang siya ng tiempo.
But the longer it goes on, the more bothered I get.
"Thank you, mommy." I said and showed her a reassuring smile.
Sa mga sumunod na araw, naulit ulit ang pagsama ng pakiramdam ko. Pero sa tuwing balak ko nang magpacheck, lagi naman ay umaayos na ako kaya nakakaligtaan ko na kapag nakapasok na sa eskwela.
"I'll tell the driver to take you here so we can go to the restaurant together."
I'm talking to the phone with my husband.
Isang subject lang ang mayroon ako ngayong araw kaya maagang nakauwi. Tumawag si Hezekiah para sabihin na nagpareserve siya ng table sa isang Italian restaurant malapit lang sa hotel.
"Okay." I answered.
"Okay. See you later, baby."
"See you, Nigel."
Pagkatapos nang tawagan namin, naghanap na agad ako ng susuotin at para makapagsimula na ring mag-ayos. 5pm nang tumawag si Hezekiah at 6:30pm naman daw darating ang driver para ihatid ako sa Alteiri hotel kung saan kami magkikita.
I decided to wear a slim fit houndstooth checked playsuit and a black studded suede sandals tonight.
Tinatapos ko nalang ang kaonting makeup nang marinig ko ang doorbell. Tumayo ako at lumabas sa kwarto para puntahan iyon. Akala ko iyong driver na ang dumating.
"Good day, ma'am. Delivery po for Mr. De Alteiri." A delivery man arrived with a parcel that has a documents enclosed written on it.
"Asawa niya po ako. Ako na ang magrerecieve."
"Okay po. Pasign nalang po."
Pagkatapos kong pirmahan ang parcel, nagpasalamat ako sa delivery man at ganoon din siya bago nagpaalam.
Ito ang unang beses na may nagdeliver ng documents para kay Hezekiah dito sa bahay dahil alam ko sa hotel niya pinapadeliver ang mga business documents gaya nito.
I went to his office and put the documents on his table. And when I was about to leave, I noticed something.
May isa pang documents sa office table na bukas na ngunit hindi nakapangalan kay Hezekiah. It was named after my father.

BINABASA MO ANG
Drowning In Your Love
Romance[ Arranged Marriage 1 ] 18+ Tilly is an island girl. She's beautiful, carefree, and a very lovely lady. She loves the island where she was born so much and doesn't want to leave it. But her life will turn upside-down after she meets her future husba...