27

629 18 1
                                    

Office

"Ang daming buhangin ng dress mo." Hezekiah said.

Tinutulungan niya akong pagpagan ang mga buhangin sa damit ko nang nakatayo na kami.

We don't want to stop kissing yet, but we heard a chatter near us so I immediately pushed him on the chest to make him stop.

Hindi sa ayaw kong may makakita sa amin dahil nahihiya ako o ano. Mabilis kasing kumalat ang balita dito sa isla at ayaw kong makarinig ng kung ano tungkol sa ikasisira ng image ni Hezekiah dahil lang nakita kami sa ganoong posisyon.

Everyone went back to the resort to have breakfast. May iba lang na umalis na tulad ni Olivia at mga kaibigan niya.

"Are you also going back to Manila today?" I asked Hez.

Magkakasama kami nina Rei, Evan at ang kapatid nito sa iisang table. Pero after nilang kumain ay lumabas muna sila. Kami nalang ni Hezekiah ang naiwan sa table namin. Pero may iba pa naman na hindi parin tapos sa agahan.

"I'll spend the night here, but I need to go back early morning."

"Mm." Tumango-tango ako, hindi pinapahalata sa kanya na medyo nalungkot sa sinabi niya.

"Sasabay si Evan sa akin dahil may duty siya. Rei and Ezekiel will stay here until tomorrow noon."

"Mmm, okay."

"Your birthday party is on Saturday. Do you want me to pick you up here?"

Kaagad akong umiling. "Hindi na. Kami nalang nila mommy at daddy ang pupunta doon..."

Masyado na siyang busy para susunduin niya pa kami rito.

"Then I'll ask to ready the helicopter on Friday night."

I smiled and nod at him. "Okay."

Hezekiah smiled too, then he put the strand of my hair at the back of my ear.

We spent the whole day enjoying the beach and did some water activities. Of course with Rei, Evan and Ezekiel.

Friday ng hapon, dumating na ang helicopter ng mga De Alteiri upang sunduin kami ng parents ko.

We want to book a flight but tita Hermoine insisted. Hassle daw at sayang sa oras. Available naman ang helicopter nila kaya okay lang na sunduin kami. Sinama rin namin si ate Kristel. Naalala ko sa kanya ang pakiramdam ko noong unang beses kong sumakay dito. Excited pero may kaonting nerbyos.

And of course, we stayed at the Alteiri Suite.

"Belated happy birthday, love." Niyakap kaagad ako ni tita Hermoine pagkadating namin sa kanilang hotel.

"Thank you, tita. I missed you po."

"I missed you too, Tilly love. Grabe! You're Eighteen na talaga. Parang kailan lang."

I smiled at her.

Nagpaalam na ako na papasok na sa kwarto para makapagpahinga. Naiwan naman ang parents ko at ang mag-asawang De Alteiri sa lounge dahil nagkukuwentuhan pa.

"Grabe, Tilly..." Panimula ni ate Kristel.

Kakatapos niya lang maligo at magpalit ng pantulog. Ako naman ay nauna na sa kanya dahil nga inaantok na.

"Mayaman na nga kayo tapos mas mayaman pa ang jowa mo. At sobrang guwapo pa! The world is so unfair." Untas niya.

Nangingiti lang ako habang nakikinig sa kanya. Nakatutok kasi ako sa phone ko dahil katext si Hezekiah.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon