14

697 21 0
                                    

Alteiri

"We're going to miss you, princess." Untas ni daddy habang magkayakap kami.

"Ito naman...Akala mo kung ilang taon mawawala ang anak." Mommy put her hand on dad's shoulder, then bumaling siya sa akin. "Take care of yourself there, alright, Tilly?"

Tumango ako. "Yes, mommy. And I'm gonna miss you too, dad."

Pagkatapos nang yakapan namin ng magulang ko, sa mga De Alteiri naman sila nagpaalam. I'm just watching them when Hezekiah suddenly talk to me.

"You can still change your mind, hindi pa naman kami nakakaalis."

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ilang segundong siyang tinitigan bago nakapagsalita. Damn, why is he so tall?

"Ayaw mo ba akong sumama?"

He looked at me intently. "You know that's not what I meant, Tiana."

Bumaba ang tingin ko sa adams apple niya nang mapansin ang paggalaw nito nang magsalita siya. Lahat nalang ata ng kilos niya, malaki man o maliit ay napapansin ko.

I sighed a little then nod at him. "I'm just making sure."

Kasi kung sinabi niyang ayaw niya akong sumama, hindi talaga ako sasama. Ayoko naman ipagsisikan ang sarili ko sa mga taong ayaw naman sa akin. I rather choose not to leave the Island if that happens.

"Are you ready to ride the helicopter, Tilly?" Tanong ni tito Nicolas matapos silang magpaalaman sa aking magulang.

Excited akong tumango bilang tugon sa tanong ni tito. Excited ako pero may kaonting kaba rin dahil first time ko nga itong sasakay sa ganoon.

Their luxurious private helicopter is in full black color with De Alteiri written on it's exterior. Kulay puti at brown naman ang interior design ng cabin. It's four seater and the pilot and his Co-pilot is already sitting on the cockpit ready to takeoff.

Unang sumakay si tita Hermoine sa tulong ni tito Nicolas, tapos sumunod narin siya. Pinanuod ko naman si Hezekiah na lumipat sa pinto ng helicopter. Akala ko aakyat na rin siya pero nanatili siyang nakatayo doon...hinihintay ako?

Lumakas ang hangin at umingay sa paligid dahil sa pagikot ng rotor blade ng helicopter. Tinipon ko ang buhok ko para hindi ito sumabog dahil sa hangin.

"Get in, Tilly." Tita Hermoine said loudly para na rin marinig ko siya.

Tumango ako at mas lumapit sa helicopter ngunit bago sumampa ay bumaba ang tingin ko sa kamay ni Hezekiah na nakaabang na pala sa akin para alalayan ako. Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa kamay niya.

"Call us, princess."

Nalipat ang aking atensyon kay daddy. Nilingon ko ulit sila ni mommy at nginitian. They're waving and smiling at me too. Then I turned to the man beside me again. Huminga ako ng malalim bago humawak sa kamay niyang nakaabang.

"Thank you," I breathe before finally getting on the helicopter.

Nakasuot na ng seat belt sina tito Nicolas at tita Hermoine, kami nalang ni Hezekiah ang hindi pa dahil kami nga ang nahuli. Pero bago niya ikabit ang seat belt niya, ang sa akin muna ang pinagtuonan niya nang pansin.

I'm just watching him intently while he's fastening my seat belt very seriously, and still continue watching him as he fastening his.

"Ready, guys?"

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon