29

623 21 0
                                    

Baby

"Congratulations to our school valedictorian, Tiana Lyle Gomez Sanseverino."

Nagpalakpakan ang lahat sa anunsyo ng aming school principal. Umakyat naman ako sa stage upang tanggapin ang aking medal kasama si daddy.

Days passed by so quickly. I didn't even notice that it's already my graduation and it's happening today.

"Congratulations, Tilly. Congratulations, Mr. Sanseverino." The principal and the city mayor said.

"Thank you po."

"Thank you, ma'am and sir." Si dad sabay tanggap ng gold medal.

We smiled at each other before he put the medal around my neck.

"Congratulations, princess. We're so proud of you." Si dad sa akin.

"Thank you, daddy."

We hugged each other and then faced the crowd for a bow. Everyone in the audiences clap their hands.

Nang nakaharap na sa mga tao, hinanap kaagad ng mga mata ko si mommy at tita Hermoine. Mabilis ko naman silang nakita sa mga monoblock kaya nginitian at kinawayan ko agad.

My mother is crying softly while tita Hermoine is comforting her but also have a teary eye.

"Oh, look at those two." Natatawang untas ni daddy.

Nakatingin din pala siya sa dalawa.

"Paano pa kaya kung kasal mo na?"

Ako naman ang napangiti. "Are you sure you're not gonna cry on that day, dad?"

Napatitig sa akin si daddy tapos bahagyang ngumuso.

"May four years pa ako para magready, anak."

Dad and I just chuckled, tapos bumaba na kami ng stage.

Oh, daddy, kung alam mo lang na gustong gusto na ng unica hija mong ikasal ng mas maaga.

"I should've brought a gift with me, love. Itong mommy mo naman kasi, sabi wag na daw." Usal ni tita Hermoine.

"It's okay, tita Her. Masaya na po akong nandito kayo." I showed tita Her a reassuring smile.

Nasa resort na kami at may kaonting celebration lang na ginawa si mommy para sa graduation ko. Invited ang lahat ng mga kabatch mates ko and their parents na gustong magcelebrate sa Isla Sanseverino. Ginawa rin ni daddy na libre ang mga pagkain at drinks sa aming restaurant.

"Tumawag na ba sa'yo si Hez, love?" Tita asked.

Umiling naman ako. "Baka hindi pa po tapos ang meeting nila sa hotel."

"Oo nga. Si tito Nico mo rin hindi pa tumatawag eh."

Ngumiti ulit ako sa kay tita Hermoine.

Lumapit ang ilang mga parents sa table namin kaya nakipagkwentuhan muna sina mommy at tita sa mga ito. Ako naman ay nakikinig lang sa kanila habang nakatingin sa phone.

I'm sending my graduation photos to Hezekiah. Hindi niya pa nga lang naview.

Medyo nagulat naman ako nang makalipas ang ilang sandali, nagring na ang cellphone ko. I beamed when I saw who's calling.

"Mommy, tita, sa labas lang po ako, ah." Paalam ko.

From my face, they both looked down on my phone.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon