19

922 29 0
                                        

Pamilya

"Just stay quiet."

Nawala ang atensyon ko sa aking suot nang sabihin niya 'yan. And that's also the last thing he told me until we arrived at his school.

Si Hezekiah ang unang lumabas ng kotse, ngunit hindi ko inaasahan na pagbubuksan niya ako ng pinto. Hindi tuloy kaagad ako nakagalaw dahil sa pagkabigla.

"Do you wanna stay here?"

"Uh, I..."

Nataranta ako kaya dali-dali nang hinubad ang seat belt tapos lumabas na ng kotse. I bet my cheeks are red because I got flustered.

Nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Hezekiah's school is huge. The field is wide with pretty trees and plants. Their school buildings also looks like a hotel from Europe. Sa labas palang ay kita na kung gaano kaganda ang loob na desinyo ng kanilang facilities.

"Thanks,"

"You're welcome, sir Hez."

Bumaling ako kay Hezekiah nang marinig na may kausap siya. Dahil nasa paligid ng campus ang atensyon ko, hindi ko napansin na may ibang tao na palang lumapit sa amin. The guy is wearing a uniform but I don't think it's their school uniform. I immediately confirmed it when I saw him holding Hezekiah's car key. The uniformed guy get inside Hez car and drove it.

"Let's go, Tiana."

I turned to Hez again when he called me.

"O-Okay."

He started walking fast so I quickly followed him. Muntik pa akong matapilok dahil sa naapakang maliit na bato.

May iilang tao sa paligid ng campus, at halos lahat sila ay napapatingin sa amin. Naconscious ulit tuloy ako sa suot ko dahil ako lang ang nakaganito rito. Or baka ang kasama ko naman ang tinitignan nila dahil kahit naka casual attire ito, siguradong kilalang kilala siya ng mga schoolmates niya. Even the car valet earlier know him.

Pumasok kami sa isang building at mas lalo akong napahanga sa ganda ng lugar. Para talagang French hotel ang exterior and interior design ng school na ito.

Even their school uniform looks good. A black blazer, white inner blouse and black skirt with skin tone stocking, then their school logo pin, it looks chick and elegant. I saw it on one of the posters on the bulletin board before we enter this building.

"Hi, Hez."

"What's up, Hez."

Paakyat kami ng hagdan at panay ang bati ng mga nakakasalubong namin kay Hezekiah. And as usual, tinatanguan niya lang ang mga ito bilang pagbati.

They don't mind it as long as Hezekiah greets them back. But every time na may babati sa kanya, kaagad lumilipat ang tingin ng mga ito sa akin na nasa likuran niya. Nagtataka siguro sila kung sinong bata ang kasama ng nagiisang si Hezekiah Nigel De Alteiri.

I can sense that they want to ask him about me, but they don't dare to dahil alam nilang tahimik lang na tao si Hezekiah at baka hindi pa sila sagutin nito.

Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti dahil lahat nang bumabati sa kanya, Hez or Hezekiah ang tinatawag sa kanya. No one calls him Nigel here, ako lang.

Kaagad napawi ang ngiti ko nang maalala si Olivia. That girl. I will never talk to her again when school starts.

"Oh,"

Kung ano-anong iniisip ko habang naglalakad kaya hindi ko namalayan na tumigil na pala si Hezekiah sa paglalakad at dahil dirediretso pa rin ako, nabangga tuloy ako sa likod niya.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon