40

711 19 2
                                    

Decision

"Tama rin naman si Ma'am Leila, Tilly. Alam naming kaya mo, but you need rest too. You don't look good anymore because of stress." Sabi sa akin ni ate Kristel.

Pinapakain ko si Tracey ng lunch ngayon at break naman ni ate Kristel kaya sinamahan niya kaming mag-ina sa table.

"Malapit ko na namang maisaayos ulit ang resort eh. Saka tinutulungan niyo naman ako." Katwiran ko.

Bumuntong hininga si ate Kristel.

"Kung tungkol ito kay Tracey...Apat na taon na siya, Tils. One of these days magtatanong na 'yan sa'yo kung na saan ang ama niya. Anong isasagot mo kung sakali?"

Napatitig ako kay ate Kristel habang nakakagat sa labi, iniisip ang kanyang mga sinabi.

"Paano ka makakausad niyan kung hindi mo magawang harapin ang nakaraan? Plus your daughter needs to know who's her father. Karapatan niya iyon."

I sighed and stared at my beautiful gift, my daughter.

"O baka hindi lang anak mo ang rason kaya ayaw mo siyang harapin, hmm?"

Muli akong napaangat ng tingin kay ate Kristel.

"Kung marealise mo na mahal mo pa rin siya kapag nagkita kayo ulit, wala ka nang magagawa doon dahil iyon ang totoong nararamdaman mo..."

"Pero paano kung may bago na siya, ate?"

Hindi nagsalita si ate. Nakatitig kami sa isa't isa ng ilang sandali.

"Trust me, Tilly. Hindi ko lang sinasabi sa'yo dahil alam kong ayaw mong pag-usapan siya, pero binabasa ko lahat nang nakikita kong article tungkol sa kanya sa Internet at kahit kailan, wala akong nabasa na mayroong nalink sa kanyang babae...The last article about him with a girl is noong kasal niyo sa hotel nila."

My conversation with ate Kristel ended there. Tapos na kasing kumain si Tracey kaya lilinisan ko naman siya.

"Bakit hindi kayo mag-swimming ni Tracey sa dagat, anak? Para makapagrelax naman kayong mag-ina." Untas ni mommy habang inaayusan ko si Tracey sa bahay.

"Madami pa po akong gagawin, mom, eh."

"Kami nang bahala ni Kristel doon...Saka kahapon pa ako kinukulit nitong apo ko na gusto niyang magswimming."

From my mother, I turned to my daughter. She's already looking at me with her puppy like eyes.

I sighed. "Fine. Pero saglit lang tayo, okay?"

Excited siyang tumango. "Okay, Mimi."

We spent more than one hour at the beach before Tracey got tired and wants to take a nap.

Si mommy na ang bahalang magbantay kay Tracey habang natutulog ito dahil kailangan akong kausapin ni ate Kristel.

"I need you to sign some papers for me, Tils." Si ate Kristel pagkatapos naming makausap ang isang guest.

"Let me see, ate..."

Inabot sa akin ni ate ang mga papers, pero bago ko pa iyon mahawakan, napaangat naman ako ng tingin nang maramdaman na may bagong pumasok sa entrance.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang titig na titig sa lalaking dumating.

Hezekiah Nigel entered Isla Sanseverino wearing a black turtleneck long sleeves shirt, black pants, black leather shoes and a leather duffel bag hangging on his right shoulder.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon