22

699 24 1
                                    

Kasal

"It's so funny when he tried to click the cancel but his laptop started to hang." Natutuwa kong kuwento kay Hezekiah habang kausap siya sa laptop.

I'm telling him about what happened to my History teacher earlier at class.

"Isn't it weird that he have that kind of stuff on his computer?"

Galing sa pagkakadapa, umayos ako ng upo tapos sumandal sa headboard ng kama ko.

"Hindi naman siguro. He's masculine and all but it's not weird to like cute things like cats videos."

Tumango-tango nalang si Hezekiah at wala nang sinabi.

It's been three months now since we started video calling using my mom's laptop. Hindi kami araw-araw naguusap, pero kapag may free time siya ay siya na talaga ang tumatawag, mabuti na nga lang ay sumasakto na nakauwi na ako sa bahay kapag tumatawag siya. Or baka sinasadya niya talagang ganoong oras tatawag dahil alam niya ang oras ng uwi ko.

"Hez..."

I heard a familiar voice on his background. I know he's at school, pero sinabi niyang magisa lang siya. Kaya nga nakatawag siya dahil wala nang ginagawa.

"Naprint ko na 'yong mga documents na inemail mo. It's all here."

"Thanks. You can go now."

"You're welcome. See you."

Hinintay kong marinig ang pagsara ng pinto bago nagtanong kay Hezekiah. Hawak niya na ang documents na ibinigay sa kanya at isa isa itong tinignan.

"Nigel..."

"Hmm?"

"Is that Ivy?"

Galing sa mga documents na binabasa nag-angat ng tingin sa akin si Hezekiah. It took him seconds before answering. "Yes. Pinapunta ko lang siya dito para kunin 'to."

Inangat niya ang mga papel para mas maipakita sa akin. Tumango-tango naman ako. Hezekiah then sighed.

"Tiana. I'm alone here the whole time. You can see it, right?"

"I know. Wala naman akong sinabi eh." Singhal ko.

"No. I'm just worried that you'll suddenly end the call."

"Huh? Why would I do that?"

Bukod sa pagpasok sa school, wala na kaya akong ibang ginawa kung hindi hintayin ang tawag mo tapos papatayin ko pa. I will never do that, Hezekiah Nigel.

The days passed quickly. Hindi ko namalayan na summer vacation na ulit. And this year, ang mga De Alteiri naman ulit ang nagbakasyon dito sa isla.

Nauna lang ng one week sila tita Hermoine at tito Nicolas, then sumunod na rin si Hezekiah. They spent two weeks here before going back to Manila. And of course, sumama ulit ako. But this time, tita Hermoine decided to stay at their vacation house in Baguio.

Nauna kami ni tita Hermoine doon, sumunod naman after three days si Hezekiah at tito Nicolas. The De Alteiri also invited my parents and they followed us a after a week. Kinailangan lang umuwi agad nila mommy at daddy dahil madaming guest ang resort dahil nga summer. Siningit lang talaga nila ang pagsunod sa Baguio para na rin makapag unwind. I'd spent the rest of my summer vacation at the De Alteiris.

And then my 16th birthday came.

"Happy birthday, Tilly..."

"Thank you, mommy, daddy." I hugged my parents and they both kissed me on my cheeks.

Drowning In Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon