41
"Kapag, Arthfael, aamin ka sa babae dapat hindi basta-basta. Dapat 'yong unang sasabihan mo ng 'gusto kita' ay s'ya na 'ring huli." Iyon ang huling bilin ni papa saakin tungkol sa pagkakaroon ng ibang babae sa buhay ko maliban kay mama at sa kapatid ko.
Itinatak ko iyon sa isipan ko bilang isang mabuti at masunuring anak.
Naniniwala rin akong tulad ng sabi ni papa noon na malalaman ko lang na totoo ang nararamdaman ko para sa isang babae kung ang paraan kung paano ko tingnan si mama at si Thessa ay mahigitan.
Noon hindi ko 'yon maintindihan.
Siguro dahil bata pa naman at wala pa sa isip ko ang magkagusto sa babae. Lalo pa no'ng nawala s'ya. I had no plans to have another girl in my life until I saw my mom and my sister having a good life.
Ipinangako ko kay papa na aalagaan ko si mama at si Thessa. Ipinangako kong hindi ko sila pababayaan.
Nasa isip ko simula nang mawala s'ya at kung paano tutulungan si mama at kung paano mapaparamdam kay Thessa na hindi s'ya kulang.
Nakakaawa dahil nang mawala si papa ay halos mag-iisang taon lang s'ya.
Maikling panahon niya lang nakasama si papa. Nakita ko ang hirap ni mama mapalaki lang kami nang sabay lalo pa at hindi naman s'ya malapit sa kahit na sinong kamag-anak ni papa.
Iisa-isa naman ng kapatid niyang nasa Iloilo.
My mother worked hard just to give me and my sister a good life. I grew up watching her work and, at the same time, taking care of me and Thessa. That is why when I entered high school, I decided to help her.
I don't know how to help her. But when she transferred me to a university where the tuition fee is almost a hundred thousand, I declined to pay it. Ayaw ko pero ipinilit niya dahil sinabi niyang nangako s'ya kay papa na pag-aaralin ako sa magandang paaralan.
P'wede namang sa pampublikong paaralan lang. Wala namang kaso saakin. Pero ipinilit niya pa rin at nang paulit-ulit kong tanggihan ay nagalit s'ya at nagtampo saakin.
Hindi ko iyon kaya kaya pumayag na ako pero sinabi kong nakarinig ako ng tungkol sa scholarship na nagagamit para bumaba ang bayarin sa papasukan ko. Kailangan lang pumasa sa entrance exam at mataas na marka.
Pumasa ako at mas bumaba pa ang scholarship ko nang second year highschool ay naging varsity player ako.
Walang ibang nasa isip kun'di ang makatulong kay mama, mag-aral ng mabuti, at si Thessa. Ni minsan hindi ko naisip na magkagusto.
Marami akong kaibigan. Lalake at babae. Maraming umamin na babae saaking na gusto nila ako pero maayos ko naman silang tinatangihan.
Tama ni papa.
I could find every girl pretty, but that doesn't mean I like every girl I find pretty.
It's the physical appearance of a person.
It is normal to say others are pretty because they really are.
Pinanood kong magkaroon ng girlfriend ang mga kaibigan ko pero ni minsan ay hindi ko sinubukan. Bukod sa walang oras para doon, tuon ang atensyon ko sa school, basketball, trabaho, at sa dalawang natatanging babae sa buhay ko.
I survived junior high school without having a crush or someone I liked.
Not until senior high school.
"Late ka na, Sandoval!" Sigaw ni coach saakin nang pumasok ako sa court at nagpunas ng pawis ko dahil tinakbo ko mula sa labas ng school hanggang dito sa loob ng court.
