45
[Arthfael,] nangungumbinsing tawag saakin ni mama.
Bumuntonghininga ako at umiling. "Hindi na, ma. P'wede namang dito nalang ako mag-aral. Bakit kailangan pa sa ibang bansa?" Tanong ko sa kanya mula sa telepono.
[Sayang kasi, anak. Alam ko naman pangarap mo noon pang maging doktor pero hindi mo agad tinuloy para saamin ng kapatid mo. Ngayon itutuloy mo na, sobrang saya ko. Mas masaya pa ako na nag-offer ang tita mo. Sagot n'ya naman lahat. Malaking opportunity rin 'yon kaya sana tanggapin mo.]
Napailing ako sa sarili.
[Nakausap mo na ba si Maia? Nasabi mo ba sa kanya ang tungkol dito?]
"Nasabi ko, ma. Napag-usap na rin namin."
[Anong sabi n'ya?] Tanong niya saakin.
"Gusto niya ring tanggapin ko, tulad nang gusto mo."
Ilang taon na kami ni Khaleesi. Nakagraduate na kami ng college at nagtratrabaho na rin. Ilang buwan na rin simula no'ng tumira kaming dalawa lang sa condo niya.
Marami na kaming napagkasunduan at plano habang magkasama kaming tumira sa isang bahay.
Sa tagal naming magkarelasyon, matagal ko nang hinihiling na sana makasama ko rin s'ya sa iisang bahay. I had planned to propose to her at our college graduation, but I knew she, like me, had other plans for her dreams.
Gusto kong ituloy 'yung matagal ko nang pangarap.
Hindi ako nagdalawang isip tanungin s'ya noon na tumira kasama ko. Nag-ipon kami at parehas na nagtrabaho para rito. Plinano namin ng mabuti, tapos ngayon aalis gusto nilang umalis ako?
Ilang buwan pa nga lang kami rito sa condo gusto niya na agad na umalis ako...
[Kita mo? Gusto niya ring tanggapin mo kasi nga sayang, anak. Ilang taon lang naman...] Kumbinsi pa ulit ni mama.
"Ma, ilang taon 'yon." Sabi ko. "Ilang taon akong mahihiwalay sa inyo."
[P'wede ka namang bumisita o di kaya ay kami ang bibisita sa'yo sa Canada. Makakauwi ka rin naman kung bakasyon.]
Ginulo ko ang buhok ko t'yaka malalim na napaisip. "Pag-iisapan ko ma. Hihintayin ko muna 'yung resulta ng scholarship na kinuha ko..."
Hindi na humaba ang usapan namin ni mama. Pinutol n'ya rin matapos kong sabihin sa kanya na pag-iisipan ko.
Sa totoo lang naiintindihan ko rin naman kung ano ang ipinupunto ni mama. Tama naman s'ya at malaking opportunity 'yung sa Canada. Alam ko rin na gusto ni Khaleesi na tanggapin ko 'yon dahil para sa kanya rin ay malaking opportunity 'yon.
Hindi ko lang matanggap dahil ayaw kong malayo sa kanila. Hindi ko gustong malayo sa kanya.
But then I guess we still choose what we think is best for us.
It was Khaleesi and I's fifth anniversary when she got her own piercings. She told me before that she liked my piercings. There were times when she just wanted to touch my ears because of it.
Balak ko na sanang ipatanggal iyon dati pero mas nagustuhan n'ya kaya hindi ko nalang ipinatanggal. Ngayon nagpalagay din s'ya ng kanya.
Pagkatapos n'ya magpalagay ng piercings ay nagdate kami. Maggagabi nang umattend kami ng outdoor concert.
Malaki ang ngiti ko habang hawak ang kamay niya at nakikinig sa paborito kong banda. Naalala kong niregaluhan ako ni Khaleesi ng gitara noon na dinala namin sa concert rin ng bandang paborito ko.
Napalagayan ko 'yon ng autograph.
Ginawa ko tuloy display 'yung gitara sa condo namin at minsan lang gamitin.
