42
"Mama," tawag ko kay mama at ngiting-ngiti kong hinarap sa kanya ang cellphone. "Ganda ng crush ko 'no?"
Ngumiwi man ay sumang-ayon naman si mama sa sinabi ko kaya malakas akong tumawa. "Ang galing ko naman pumili, 'di ba, ma?"
"T'yaka mo na ipagmalaki saakin kapag seryoso ka na, Nicholas Arthfael." Seryoso n'yang sabi at tinaasan ako ng kilay. "Seryoso ka ba d'yan kay Maia?"
Ngumuso ako. Nag-iisip ng isasagot ko. Nag-iisip ako hindi dahil nagdadalawang isip akong sumagot ng oo, nag-iisip ako dahil ayaw kong magbitaw ng salita at pangakong alam kong hindi ko mapaninindigan.
"Paano ba malalaman kung seryoso ka na sa isang tao, ma? Hindi pa naman ako nagkakagusto noon maliban sa kanya. Nasa isip ko kasi lagi kayo lang ni Arthessa." Tanong ko.
Tumawa si mama at ginulo ang buhok ko.
"Ano bang sabi sa'yo ng papa mo noon? Bago ka umamin sa isang babae, siguraduhin mo ang unang sasabihan mo ng 'gusto kita' ay s'ya na ring huli. Paano? Kung mahigitan ng tingin mo saaming dalawang babae sa buhay mo ang tingin mo sa isang partikular na babae, edi baka nga iyon na."
Sumimangot lalo ako at sumandal sa sofa. "Ang lalim naman kasi no'n. Daig pang bugtong-bugtong."
Umiling si mama. "Malalim din ang pag-ibig, Arthfael. Mas hindi mo maiintindihan ang pag-ibig. Magulo at madaming maaaring balakid lalo na kung hindi ka sigurado kung gusto mo bang solusyonan."
Hindi ako sumagot kaya ngumiti s'ya. "Basta. Kung gusto mo si Maia, umamin ka. Pero bago ka umamin siguraduhin mo muna sa sarili mo kung gusto mo ba talaga o baka nagagandahan ka lang. Dahil kapag umamin ka sa isang babae, dapat pinaninindigan. Huwag kang mananakit ng babae, Arthfael."
Ngumiti ako. "Bakit naman ako mananakit ng babae, kung 'yung kapatid ko rin babae?"
Itinatak ko sa isipan ko 'yung sinabi ni mama. Alam ko sa sarili kong gusto ko si Khaleesi. Pero gaya ng sabi niya, kailangan siguraduhin ko muna dahil ayaw kong makasakit kung sakali mang magkamali ako.
Pero sa bawat paniniguro ko mas lalo mo lang napapatunayang hindi nga lang basta pagkakagusto ang mayroon ako para kay Khaleesi na dalawang isang beses ko palang nakakausapnsa tanang ng buhay ko.
My feelings for her were strange and new. The reason why I'm hoping for a sign is to continue finding out about that strange feeling I have for her.
Kapag nakita ko s'ya ngayong linggo, hindi na ako madadalawang isip na gumawa ng paraan para magkalapit kaming dalawa.
My wish was suddenly granted when, on Wednesday morning, I accidentally opened the door of our classroom and she bumped on it.
Nagulat ako! Hindi ko alam!
Sobrang alala ko na baka nasaktan ko s'ya. Gusto ko talagang sabihin na dadalhin ko s'ya sa clinic pero ang sabi niya ayos naman s'ya at mukhang hindi papapilit na madala ko sa clinic.
"Sorry, hindi ko naman kasi alam na nasa labas ka. Nasaktan ka ba nang mauntog ka? Gusto mong dalhin kita sa clinic o sapat nang makita ako para wala 'yung sakit?" Biro ko at nag-aalala man ay nakangisi pa rin sa kanya.
Ang cute kasi ng reaksyon n'ya sa mga banat ko na nakuha ko lang sa mga nababasa ko. Hindi ko naman alam na effective pala 'yung mga gano'n? Parang corny nga pero nagugustuhan ko 'yung kaunting reaksyon na bakas sa mukha ni Khaleesi.
Kahit anong reaksyon n'ya yata ay natutuwa akong makita.
"Nakatitig ka na naman, Miss Ma'am..." Bulo ko at kinagat ang labi para pigilan ang malaking ngiti.
