08
Arthfael introduces his friends to me. It was a casual introduction. They just said "hi" and "nice to meet you." They then proceed to buy their food.
When they came back, Rastiel and Rye occupied the space on the side, while Bryan sat beside Viri and Krysanthe. Humigit lang sila ng upuan sa kabilang lamesa dahil kulang 'yung upuan namin. The only available seat was beside me, and I assumed that they intended for Arthfael to sit next to me.
"Kapag pala tumabi kay sa kanya Art, magmumukha kayong gatas at kape." Rastiel said when Arthfael was about to sit beside me.
"Tang-" Nag-angat ako ng tingin kay Arthfael.
Napatingin din s'ya saakin kunwaring tumingin sa tray n'ya. "Tang! Hindi pala ako nakabili ng inumin. Parang gusto ko ng tang!"
"Gago," natatawang sabi ni Bryan at naghagikhikan naman ang kasama namin sa lamesa.
Arthfael frowned at them, and when he looked at me, he smiled again before finally sitting down next to me.
"Are you going to buy some juice?" I asked him in my low voice.
"Bakit? Gusto mo rin?"
I nodded. "I forgot to buy one too. Tubig lang 'yong nabili ko,"
Umawang ang labi niya at tumango saakin bago tumayo dahilan para mapatingin sa kanya ang mga kasama namin sa lamesa.
"San ka?" Tanong ni Rye dito.
Inilabas naman ni Arthfael ang wallet sa bulsa ng itim n'yang slacks. "Bibili ng tang!"
"Walang tang dito, tangina mo!" Tawang-tawa na sabi ni Rastiel kay Arthfael na ikinaway lang ang kamay niya at dumeretso na sa counter.
Bakit hindi niya ako hiningan ng pera pambili ng inumin ko?
I looked at Viri when I heard their laughter.
"Hindi pa ba kayo?" Tanong ni Bryan saakin.
Umiling ako sa kanya. "Hindi,"
"Pero alam mong gusto ka n'ya?" Kuryosong tanong ni Rastiel saakin.
Binalingan ko sila ng tingin ni Rye. Sa kanilang dalawa si Rye ang mukhang hindi talaga pala-salita. Mukhang hindi rin s'ya palangiti tapos may suot s'yang hoodie kahit ang init-init.
Si Rastiel naman ay kanina pang nakangiti. He's nice, and he looks talkative like Arthfael.
"Yes, I know," I answered Rastiel's question.
"Bagal naman," sabi niya. "Hindi ka pa rin nililigawan 'no?"
Umiling ako at ibinalik ang tingin sa dalawang strawberry cake na binili ko. Kinuha ko ang isa at inilagay sa tray ni Arthfael. Mukhang nakita nila 'yon kaya kung tingnan nila ako ay para bang hinihusgahan na ako, lalo na nang mga kaibigan ko.
"May problema ba?" I asked calmly.
Sabay-sabay silang umiling habang nakangiti.
"Tangina, parang si Art ang babae, ah." Sabi ni Rye.
Nagtawanan sila habang ang mata ko naman ay saktong tumama sa cellphone ni Arthfael na iniwan niya sa lamesa. Umilaw kase iyon at mukhang may message. I ignored the message, but I noticed his wallpaper.
My lips parted and I suddenly felt red when I saw that picture of me.
Matagal niya na bang wallpaper ang picture ko?
Nang bumalik si Arthfael ay may hawak s'yang dalawang baso ng orange juice. Inilapag niya ang isa sa gilid ng plato ko habang ang kanya ay inilagay sa tabi ng pagkain niya kaya agad niyang napansin ang strawberry cake na inilagay ko doon sa tray n'ya.
