Chapter 33

36 3 0
                                    

"Mr. Brixton, your turn." Utos ni Prof kay Shinvher.

We're here at the quadrangle. Nagp-practice nanaman ng baseball para sa grade. Tsk.

Hinawakan ni Shinvher ang baseball bat kaya ni-ready ko na ang kamay ko. Dahil ako ang babato ng bola pero sadyang may tanga talagang tao, at binagga ako kaya napa-upo ako.

"TANGINA NAMAN!" Inis na sigaw ko saka nilingon ang bumangga sakin.

"Ano ba?! Bat ba haharang harang ka?!" Sigaw ng babae.

Baka kamo pinagp-practice kami ng professor namin kaya nandito kami sa quadrangle?!

Tumayo ako atsaka nilagay ang kamay ko sa bulsa ko. "Anong sabi mo?"

"Bingi kaba? Tanga ka na nga bingi kapa!" Napangisi ako ng malakas akong sampalin nito. Ramdam ko ang atensyon ng lahat na napunta samin.

"Hey, stop that!" Suway ni Prof. Tsk, saka sumuway kung kailan nasampal na ako? Patayin kaya kita at saka ko sabihin sa nanay mo na awatin ako?!

"Ako yung tanga?" Tinuro ko sarili ko saka tumingin sakanya. "Ang laki ng space na pwede mong daanan at napili mong tumakbo sa may nag p-practice? E, kung hampasin ko kaya ng baseball bat yang ulo mo? Baka sakaling umayos takbo ng utak mo? May possiblity nga lang na ma comatose ka." Nakangisi kong turan na ikina-gulat ng mga kaklase ko pati na si Prof. Mas OA pa nga ata sya.

"Ang kap-" Hindi na nya natapos ang sasabihin nya nang hilahin ko ang kwelyo nya.

"Wag kang mag tapang dito, kase itong eskwelahang tinatapakan mo e, pag-aari ko." Kalmanteng saad ko na syang ikina-gulat ulit ng lahat ng nandito. Patulak kong binitawan ang kwelyo nya at sinambot ang baseball bat na ibinato sakin ni Shinvher. "Wanna die?" Nakangising tanong ko at idinikit ang dulo ng baseball bat sa dibdib nya.

"ZEA!" Suway sakin ni Renlor pero hindi ko sya tinapunan nang tingin.

Kinuha ko ang salamin ko at ibinato yon sa sahig kaya nabasag yon. "Nitong mga nakaraang araw..." Kalmanteng saad ko ulit at saka ngumisi. "...Hindi ko nagugustuhan ang mga trato nyo sakin ah? Bigyan mo ko ng magandang dahilan."

"Ang kapal ng mukha mo?! E, nerd ka lang naman?! Malaya kaming gawin ang gusto namin lalo na't wala naman ng Demon na mag tatanggol sayo!" Naka-ngising saad nya kaya lalo akong napa-ngisi.

"Ganon? Ang babaw at ang corny ng rason mo. Kung sabagay, bata ka pa." Nakangising saad ko. "Baliktarin natin. Ako naman magbibigay ng rason sayo." Tinaas ko ang hawak sa baseball bat. "Magandang rason ng pagkamatay mo."

"AHHHHHH!" Malakas na daing nya nang hatawin ko ng baseball bat ang hita nya kaya napa-luhod sya.

"ZEA!"

"MS. MONALCO!"

Sabay na sigaw ni Prof at Renlor.

"Ayoko sa lahat yung tinatarantado ako. Ngayon sumunod ka sakin at mag papakilala ako." Mariing saad ko at kinaladkad sya paakyat ng stage. "KAYONG LAHAT! BINIBIGYAN KO KAYO NG ISANG MINUTO PARA PUMUNTA DITO SA QUADRANGLE! KUNG HINDI LAHAT KAYO MAEEXPELLED" Sigaw ko sa mic.

The Nerdy Girl Is A Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon