Chapter 34

35 3 0
                                    

FLASHBACK


Pag pasok palang namin sa loob ng café. "Order nako, ha." Prisinta agad ni Shinvher. Tinanguhan nalang namin sya.

Akmang uupo na kami pero "Fuck!" Napatingin ako kay Zerello nang mag-mura ito.

"Naks, lutong." Nakangising saad ko pero hindi nya ako pinansin at nag-lakad bigla. Napatingin naman ako sa dereksyong tinatahak nya at nawala ang ngisi sa labi ko nang makita ko ang babae at lalaking naghahalikan.

May red na buhok at silver. Tsk. Nag-lakad ako papalapit kay Zerello at nang maabutan ko sya ay hinawakan ko ang balikat nya kaya napahinto sya.

"Baby Sis."

Tinanguhan ko lang sya saka nag lakad papalapit kala Renlor. Nang makalapit ako sa table nila ay malakas kong sinipa yun. Natumba ang table, kasama sila.

"ANAK NG SHANGHAI! PUTA SINONG- Z-Zea?"

"Ay, sorry. My bad." Nakangisi kong saad. Nakita ko naman ang pag-lunok ni Renlor saka inalalayang tumayo ang babaeng kasama nya. "Ang cute nyong couple. Bagay kayo"

Isang ahas at isang hudas.

"Zea?" Gulat na usal din ng babae.

"Hello my Dear Cousin." Nakangising saad ko. Kitang kita ko pa ang makalat na lipstick sa labi nya.

"Zea, let me explain." Lumapit sakin si Renlor at akmang hahawakan ako ng ilayo ko ang braso ko sakanya. "Zea..."

Ngumisi lang ako saka tumalikod. Nang maka-isang hakbang ako ay mabilis akong humarap kay Lira at ginawaran ito nang sampal pero muli akong napangisi nang hulihin ni Renlor ang kamay ko.

"Subukan mong saktan sya, Zea. Ako makakalaban mo." Mariing bulong sakin ni Renlor kaya natawa ako.

Kita ko naman ang patagong pag-kunot ng noo Lira, animong hindi nagustuhan ang ginawa ni Renlor.

You're up to something. What is it, Lira?

Hiniklas ko ang kamay ko at saka naka-ngising humarap sakanya. Ramdam ko ang pagpalit nang kulay ng mata ko and worst it's gray.

Shibal.

[Fuck.]

*BLAGG*

"Tarantado ka! Papatayin kita!"

"Zerello!" Tawag ko kay Zerello nang aambahan nya ulit sana nang suntok si Renlor. Tumingin sya sakin habang nag-titiim ang bagang. Mapait akong ngumiti. "I'm fine."

"Tinatapos ko na kung anong meron satin, Zea." Malamig na saad ni Renlor kaya napatango-tango ako. "Nabuntis ko si Lira at sa isang buwan ay magpapakasal na kami."

Mapait akong napangiti habang nakatingin sa kawalan.

Tangina. kaya pala hindi sya nag-pakita sakin ng dalawang linggo dahil bumuo sya ng bata.

"Great..." Tatango-tangong saad ko.

"At pinuputol ko na ang koneksyon natin. Itrato mokong hindi kakilala, katulad lang nung umpisa. Wag mo nakong kausapin dahil hindi na kita mahal. Layuan mo nako." Malamig na saad nya. Tumingin ako sakanya at nagulat sya nang ngumisi ako.

My eyes turns yellow. Kulay na ngayon ko lang nagamit, na pati si Zerello ay hindi makapaniwala. "At sa tingin mo magmumukmuk ako?" Sarkastikong tanong ko sakanya na mas lalong ikinagulat nya. "Remember. I am Zea Monalco. At bakit ko naman iiyakan ang lalaking ni minsan ay hindi ko naman minahal? Don't be so stupid. I didn't love you, I will never love the man na anak ng magnanakaw." I said emphatically.

The Nerdy Girl Is A Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon