Chapter 29

37 3 0
                                    


Kanina pa ako nakapakit at ramdam na ramdam ko ang titig sakin ni Renlor.

"Sweetie? I know you're awake." Mahinahong bulalas nya.

"Mmm, alam mo naman pala e." Masungit na saad ko at iminulat ang mata ko.

Nakita ko naman syang naka-nguso. "Sorry na, hindi ko na uulitin Sweetie." Pag lalambing nya at yumakap sakin saka pinatong ang mukha nya sa dibdib ko.

"Shut up." I just said.

"Why are you so sungit Sweetie? Indi ka naman ganyan kahapon ah." Nakangusong saad nya pa. Agad ko syang inambahan ng palo sa braso. "Aw! Sweetie!"

"At kakasabi ko lang din kahapon na tigil-tigilan mo yang kamanyakan mo!"

"Huhu, kaya nga nag sosorry na Sweetie e!" Arte nya habang hinihimas ang braso nya.

"Tsk, oo na!" Inis na saad ko at tumalikod sakanya, pero ilang sigundo lang ay yumakap sya sakin. "Renlor!" Nagbabantang banggit ko sa pangalan nya.

"Pangarap ko ang ibigin ka." Malambing na bulong nya.

Napangiti naman ako atsaka humarap sakanya. "Salamat."

"By Morissette." Nakangising dugtong nya.

This shit.

"By Yeng." I smirked.

"Hmp!" Tumalikod sya sakin.  Umirap nalang ako saka tumalikod din. "SWEETIEEE! HINDI MO MAN LANG AKO SUSUYUINN?!" Nagmamaktol na sigaw nya pero hindi ko na sya pinansin.

Bigla namang nag ring yung phone ko kaya agad ko yung kinuha. "Yes?" Malamig na sagot ko

"Queen-"

"Wanna die?" I asked.

"I'm sorry, Lord Dragon." Nanginginig na boses ang narinig ko.

"Good. So, what is it?"

"They're here." Kumunot ang noo ko. Kailangan ko na bang hulaan kung sinong tinutukoy nya?

At kailan pa ako naging manghuhula?

"Who?" I asked. Nararamdaman ko naman ang tingin ni Renlor sakin kaya napa-irap ako.

"Their leader-"

"PWEDE BANG DERETSOHIN MO NA?! MUKHA BA AKONG MANGHUHULA, HA?!" Inis na sigaw ko.

"I-I'm sorry Lord Dragon, it's the leader of SN. He's here at the philippines." Nanginginig na saad nya.

Sword Ninja? Cool.

"Tsk. Call the top ten highest rankers to the GW. I have important things to discuss." Pinutol ko ang linya.

"Sino yon?" Nagulat naman ako ng biglang may mag-salita sa gilid ko.

"Oh? Renlor? Andyan ka pala?" Inosente kunwaring tanong ko. Ngumunot naman ang noo nya.

"Kinalimutan moko ng dahil sa kausap mong yon?! TARANTADO KABA?!" Halos mapapikit ako nang sigawan nya ako pero nang tumigil sya ay agad ko syang sinipa, dahilan para mahulog sya sa kama.

"Ayan! Mas tarantado ka!" Inis na singhal ko. Ngumuso naman sya.

"Baby Sweetie naman e!" Parang batang arte nya.

"HEH! STAND UP! MAY PUPUNTAHAN TAYO!" Sigaw ko kaya dali-dali syang tumayo at tumakbo palabas ng kwarto ko. Tsk, weak. Tumayo na rin ako at kinuha ang black mask ko saka lumabas ng kwarto ko.

"Oh? Baby Sis." Umakbay sakin si Zerello. "San lakad mo?" Tanong nya.

"Ikaw? San ang naging lakad mo kahapon? Heaven ba?" I sarcastically asked. Napanguso naman sya. Umirap ako atsaka pumasok sa elevator.

"YOW, ZEA!" Boses agad ni Heaven ang narinig ko nang makalabas ako ng elevator. Umiinom parin sila. Habang si Heaven, tamang kain kain lang.

"Eyow, patay gutom!" Bati ko pabalik sakanya at kunwaring aapir sakanya pero nginusuan lang nya ako. "Tsk, mukha kang aso." Kumuha ako ng isang canned beer saka madaliang tinungga yon. Nang makuntento ako. "To the GW, I have important things to discuss." Utos ko at naunang lumabas ng mansion.

"Sweetie!" Napalingon ako sa sports car kong silver at nandon si Renlor, naka seatbelt na.

"Tsk, kapal nang mukha." Bulong ko sa sarili ko atsaka lumapit na kay Renlor.

"Let's gooo!" Excited na aniya.

"San tayo pupunta?" Patay malisyang tanong ko.

"Tsk! Sa GW! Sinabi mo kaya dun sa kausap mo sa phone kanina." Nakangusong aniya.

"Ah ganon ba?" Bored na tanong ko at sumakay na ng kotse.

The Nerdy Girl Is A Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon