THIRD PERSON"WOOOOH, HABOOOLL!" Tuwang-tuwang nakikipag habulan si Zea sa mga pulis habang winawagayway ang backpack na kinuha nito sa pulis na napag-tripan nya.
Halos paputukan na sya ng baril ng mga pulis dahil sa galit, dahil may epektos na nakalagay sa bag na kinuha ni Zea.
"WOOOOHHH! COME ON GET ME! ANTATANGA NYOOO!" Sigaw ni Zea at patuloy na tumatakbo.
Habang ang nasa paligid naman nila ay nag tataka lang silang pinapanood, at ang iba naman ay nalulugaw na sa kaiisip kung anong language ang ginagamit ni Zea.
"JUNGJI!" Sabay-sabay na sigaw ng mga pulis habang patuloy sa pagpapa-putok ng baril sa babae.
[STOP!]
"WOOOHH! ENJOOOYYY!" Tawang-tawang sigaw ni Zea saka tuluyang lumiko pero pag liko palang nya ay may naka-bangga na sya.
"Renlor." Bulong ng puso nito.
"M-miss! Ang bigat mo!" Kunwaring nabibigatang saad ni Renlor Kyler. Ang totoo ay medyo matagal silang ganon at ayaw nya naman na tumagal pa silang ganon.
Hindi nito nakilala ang babae dahil natatakluban ng bonet ang buong ulo ni Zea.
Napa-ngisi naman si Zea.
"WOOOOHH!" Nagpatuloy na sa pag-takbo si Zea habang winawagayway ang bag pero natigilan agad sya ng sa isang iglap ay may nakatutok ng baril na sa noo nya.
Ngumunot ang noo ni Renlor habang tinitignan ang eksena ng isang babae at tatlong pulis.
"Bonis-eul beosda!" Utos ng isang nakakataas na pulis sa isang kasama nito.
[Take off the bonnet!]
Pero pare-pareho silang namutla at pinag-sisihihan na nakipag patentero pa sila sa halimaw ng bansang korea.
Habang si Renlor naman ay lalong kumunot ang noo at lumapit sa nakangising babae.
"Sweetie!" Inis na hinapit ni Renlor ang braso ng babae, papalapit sakaniya.
Para namang naalisan ng tanke sa dibdib ang tatlong pulis dahil sa malalim na pag-hinga ng mga ito.
"Anong ginagawa mo?" Kunot-noong tanong ni Renlor.
Zea's eyes turns to blue. Kung kanina ay dilaw ito dahil sa pagka-excite, ngayon ay hindi na.
"Don't touch me. I'm just making my self happy." Zea coldly said.
"HAPPY?! EH KUNG TINAMAAN KA NG BALA KANINA?! MALAYO PALANG NARIRINIG KO NA ANG MGA PUTOK NG BARIL, ZEA!" Hindi napigilan ni Renlor ang mapa-sigaw kaya napa-ngisi si Zea.
"Malakas talaga ang loob mong sigaw-sigawan ako ano?" Natigilan si Renlor ng marealize ang katangahan na ginawa.
Akmang aalis si Zea pero agad na umupo sa sahig si Renlor habang hawak ang isang paa ni Zea.
"Sorry na, nabigla lang ako." Pag-aaktong bata nito.
"Tsk. Don't touch me." Malamig na demand ni Zea.
"Baby Sweetie.."
Hindi pinansin ni Zea si Renlor. At halos pinigil ng tatlong pulis ang pag-hinga nang tignan sila ni Zea. "Nice try. Follow me or die?" Malamig na tanong nito.
Matunog na lumunok ang tatlo atsaka yumuko.
"Sweetie-"
"Shut up, Gay! Sumunod ka rin! Naririndi ako sa boses mo!" Iritadong saad ni Zea kaya lalong napa-nguso si Renlor
_________
Sa kulungan bumagsak ang tatlong pulis dahil sa pag-bebenta ng mga ito ng mga droga.
Wala naman talagang plano si Zea na makialam sa mga problema ng mga pulis pero sadyang gusto nya mag-saya at ang tatlong pulis ang napag-tripan nya.
"Sweetie? Uuwi na tayo?" Malambing na tanong ni Renlor kay Zea.
"Ako uuwi na. Ewan ko lang sayo." Malamig na saad ni Zea at pumasok na sa blue lamborghini nito. Papasok na din sana si Renlor
"Sweet-"
"CAN YOU PLEASE STOP CALLING ME THAT FUCKING ENDEARMENT?!" Inis na sigaw ni Zea pero natigilan sya ng biglang mangilid ang mga luha ni Renlor.
ZEA LOUIZIANA
Nag-iwas ako nang tingin.Nakakapanglambot. Hindi ko kayang makita syang ganyan. Ilang taon na ang nakaka-lipas pero hindi ko pa rin matagalan tignan ang mga luha nya.
Kung bakit kaba kasi nagpakita pa? Bakit kailangan mo pa magpakita?
Aaminin ko, namiss ko sya. Gusto ko syang yakapin, gusto ko syang halikan, gusto kong tumawa sa paglalambing nya gaya ng karaniwan ko naman talagang ginagawa noon.
Pero iba na kasi ang panahon ngayon.
Pamilyado na syang tao. Hindi naman pwedeng maayos nalang yun ng ganon-ganon lang. Oh kung maayos man, hindi na pwedeng bumalik pa kami sa dati.
"S-sorry," Naiiyak nitong turan habang naka-tungo.
Fuck this life.
"Pasok. I'll drive you home." Utos ko dito. Nahihiya naman syang tumingin sakin.
Nag-iwas ako nang tingin dahil ayoko talagang makita syang umiiyak.
Maya-maya lang ay naramdaman ko nang pumasok sya kaya pinaandar ko na ang kotse ko.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl Is A Mafia Queen
RomanceWHAT IF ONE DAY SHE AND HER GANG HAS TO PRETEND TO BE AN ORDINARY STUDENT? CAN THIS SITUATION CHANGE THE HEARTLESS WOMAN? -TNGIAMQ