"Hi, My beautiful fiancé!""Tsk. Nakauwi kana pala?" Seryosong saad ko.
"Oo! Nakauwi nako't lahat lahat ansungit mo paren!" Nakangusong saad ni Cholo.
He's my fiancé. 18 years old palang ako ay alam ko na ang tungkol sa bagay na 'to. I'm 20 at tanggap ko na. Tsk. Ampon naman sya ng kambal ni Zairica. Nakakatawa diba?
"Zea!"
Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Renlor. Dahan dahan akong pumihit patalikod at ayon, sobrang dilim ng aura nya.
"Renlor." I calmly called.
Lumipit sya sakin at hinawakan ang kamay ko habang nakatingin kay Cholo. "Sino sya?" Walang emosyon na tanong ni Renlor.
"Si Cholo-"
"Fiancé nya." Proud na saad ni Cholo.
Lalong nag dilim ang aura ni Renlor. At this time, nakakatakot na sya, not gonna lie.
"Fiance?! PAKYU SAGAD!" Mariing sigaw nya at hinila ako paalis sa quadrangle.
___________________
Tinulak ako ni Renlor papasok sa kwarto. Nakapunta na kami dito sa mansion nila pero hindi parin sya nagsasalita.
Ni-lock nya yung pinto at lumapit sakin... "Sweetie-" Natigilan ako nang lampasan nya ako. Tahimik syang umupo sa kama nya habang kunot na kunot ang noo.
"Fuck." Mahinang saad nya. Ngumunot ang noo ko. "FUCK!!" Nagulat ako sa pag sigaw nya. Galit nyang pinagtatampon yung unan sa sahig.
Tumakbo ako papunta sakanya at hinawakan ang dalawang pisngi nito. "Sweetie, malma." Saad ko.
"Damn, sweetie!" Mariin syang pumikit habang hinihingal.
"What's the problem?" I asked as if it's not obvious.
"THE PROBLEM?! YUNG ANG GANDA NA NANG MOOD KO KANINA TAPOS NASIRA PA!" Sigaw nya sakin. Napalayo naman ako sakanya.
Grabe, sobrang dilim ng aura nya!
"CAN YOU PLEASE SHOUTING ON MY FACE?!" Inis na sigaw ko rin. Nag-iwas naman sya nang tingin habang nag-iigting ang panga. "Ano ba Renlor ha?!" Inis na tanong ko sakanya.
Umiling-iling sya at humiga at nag tago sa kumot. Hindi ko nalang sya pinansin at nag-tungo nalang sa sofa.
Habang nag c-cellphone, I heard Renlor sniffing.
What the freak is his problem?!
Lumapit ako sakanya at tumabi sa tabi nya. "Sweetie?" I sweetly called. Lumabas naman sya ng kumot at ayon sya, maga ang mata, namumula ang ilong at basa ang mukha. "Why are you crying?" Alalang tanong ko saka pinunasan ang mukha nya.
para namang hindi ko alam ang rason.
"N-napaka... Manhid mo." He said while sobbing.
Tsk. Ako pa ha? "Takte! Makaalis na nga dito! Lintangina!" Inis na saad ko at akmang tatayo nang yakapin nya ako.
Sumubsob sya sa dibdib ko. "Dito kalang." Parang batang utos nya.
Bumuntong hininga ako. "Bakit ka ba umiiyak?" Tanong ko.
"E-eh kasi Sweetie m-mag papakasal ka don sa tukmol na yon! E, g-gusto kitang maging a-asawa e!" Umiiyak na saad nya.
Hinaplos ko ang buhok nya. "Shh, stop crying."
"Ayokong mapunta ka sa iba, Zea! Gusto ko akin ka lang!" Umiiyak na sabi nya.
"Shhh." Pagpapatahan ko sakanya. Humigpit naman ang yakap nya sakin. "Tulog nalang tayo ha?" Saad ko. Tumango-tango naman sya at umalis sa dibdib ko saka hinalikan ako sa labi. Tapos sumubsob ulit sya sa dibdib ko.
___________________
Nagising ako dahil parang may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib ko.Nakita ko naman si Renlor na nakaunan sa dibdib ko habang mahimbing na natutulog. Mukha syang anghel
Pag tulog.
May biglang pumasok sa isip kong kalokohan.
Haha!
"WAAAAAAAAAAAAH!" Sigaw ko.
Nalaglag naman si Renlor sa kama pero dali dali din syang umakyat at humarap sakin. "BAKET? BAKET?!" Tarantang tanong nya.
"I'm hungry." Mahinahong saad ko. Pinigilan kong matawa nang ngumuso sya.
"Akala ko kung ano na!" Nakangusong aniya. Nakangiti ko syang hinalikan dahilan para mapangiti sya. "Una kana sa baba." Nakangiting saad nya.
"Tsk, no way." Masungit na saad ko.
"Baket?" Kunot-noong tanong nya.
"Uuwi nako." Saad ko at tumayo. Hinawakan naman nya agad yung kamay ko.
"Teka lang naman!"
"Gabi na, Renlor."
"Dito ka nalang matulog."
"May aasikasohin ako."
"Sino? Yung fiancé mo?" Masungit na tanong nya.
"Oo." Pangaasar ko.
Ngumuso naman sya. "Ang sama mo!"
"Kidding." Natatawang saad ko.
"Halika na nga. Ihahatid na kita."
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl Is A Mafia Queen
RomansaWHAT IF ONE DAY SHE AND HER GANG HAS TO PRETEND TO BE AN ORDINARY STUDENT? CAN THIS SITUATION CHANGE THE HEARTLESS WOMAN? -TNGIAMQ