Chapter 42

43 3 0
                                    


Hindi ko pinansin ang text ni Lolo at tumingin nalang sa bintana.

Hindi ko alam kung bakit sa dami ng taon, ngayon lang nya hindi naintindihan na hindi ako pwedeng sumalo sa kanila.

Nasa batas yun, batas na hindi ko pwedeng suwayin.

Walong taon palang ako ng mabuo ang batas na yun. Batas na binuo ni Halmeoni, ang asawa ni Lolo.

Sobra nya akong sermonan noon dahil pasaway ako sa eskwela. Nagalit ako. Sa galit ko ay muntik ko nang masaksak ang mga hita nya. Nandon sila Louie para alisin ng kutsilyo sa kamay ko.

Yun ang araw na pinagsisihan kong hindi ko napigilan ang sarili ko.

Sa galit ni Halmeoni pinasumpa nya ako sa harap nya at ni Lolo na susunduin ko ang mga batas sa pamilya nila, namin.

Isa dun ang hindi ako pwedeng sumalo sa kanila sa lamesa. Hindi ako pwedeng sumama sa kanila sa mga lakad nila. Ulti mo kahit anong okasyon, birthdays, family reunions, etsetera.

Alam nya kung gano kahalaga sakin ang pamilya at tinanggalan nya ako ng karapatang maramdaman na may pamilyang pwedeng gumabay sakin sa pag-laki.

Sa pamilya, mga kapatid ko lang ang nakakasama ko. Trinaydor pa ako ng isa.

Nasa batas na hindi mo pwedeng gamitin ang sarili mong lenggwahe sa loob ng mansion ni Halmeoni. Pilipina sya. Tagalog ang lenggwahe nya, tagalog ang lenggwaheng mariring nya. Taga pilipinas sya, filipino food ang ihahain sa lamesa nya.

Ang selfish pero nanatili sakanya lahat ng tauhan nya.

Tauhan nya lang. Hindi ako kasama dun at hindi ako papayag na maisama dun. Sumumpa ko na susunod sa batas pero hindi ko sinumpa na maging tau-tauhan nya at sumunod sa lahat ng gusto nya. Batas lang ang sinumpaan ko.

Umalis ako ng bansa sa murang edad, kinse anyos. Hindi naman ako nahirapan sumakay at utusan ang mga tauhan nya para dalhin ako sa pilipinas dahil kilala parin naman akong apo ng babae.

Nang makaalis ako ay sumunod sakin ang mga kapatid at kaibigan ko na hindi rin nagpaalam umalis sa mansion ni Halmeoni. Dun ang tuloy namin sa rest house namin sa pilipinas. Malaki ang dalang pera ko noon, malaki mag bigay ng allowance ang mga magulang namin at inipon ko yun mula ng tumungtong ako ng highschool sa korea. Wala rin namang pupuntahang iba ang pera dahil hindi naman pwedeng kumain ng pagkain na hindi galing sa Halmeoni. Hindi rin pwedeng bumili ng bagay at dalhin sa mansyon.

Tali ang mga paa, posas ang mga kamay, gapos ang katawan, busal ang bibig. Buhay sa mansion.

Kahit ganon, mahal at ginagalang sya ng mga tao sa paligid nya. Kitang-kita ang authority sakanya pero walang taong nanginginig kapag nakikita sya. Hindi sya mabait pero hindi sya pumapatay ng tao. Hindi katulad ko.

Maloko ako sa pag-aaral pero mataas ang grades ko. Ang goal ko nung bata ako ay makapagtapos kasama ang buong pamilya ko pero dahil sa lintik na pagkakamali na yun, nabaliktad lahat.

My world turns upside down.

Kung noong bata ako ayaw ko maging katulad ni Halmeoni paglaki ko ay iba ang nangyari. Mas malala pa ang nangyari.

Limang taon ako ng isubok sa eksperemento, naging maikli ang pasensya ko pero hindi naman nun binago nag ugali ko. Hindi non binago ang tingin ko sa mga magulang at sa mga tao sa paligid ko.

Habang lumalaki naman naiintindihan ko ang mundo. Kapag duwag ka, aapihin ka. Kapag wala kang alam, pagtatawanan ka. Kapag hindi ka marunong lumaban, mamamatay ka at kapag wala kang kapangyarihan, hindi importante ang pagkamatay mo.

The Nerdy Girl Is A Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon