Chapter 45

44 2 0
                                    


"Baby Sis..."

Napa-tingin ako sa pinto ng pumasok don si Zerello kasunod si Zultaro.

Naiiyak na lumapit sakin si Zerello.

"Oh?" I boredly asked.

"World is so cruel-"

"Don't make some drama, Zerello." I cut his words.

Napa-nguso si Zerello at patagilid na yumakap sakin. Hinayaan ko nalang. Tumahimik sya ng ilang sandali pero maya-maya ay nag-salita rin.

"Ano sa tingin mo, Baby Sis? Kung hindi kaya tayo itong tayo, masaya kaya tayo?" Tanong nito.

Kunot noo ko lang syang tinignan habang nananatili syang naka-yakap sakin.

"What are you saying? Are you a fucking alien or what? I can't understand you, Gay." Kunot noong turan ko.

Lumayo naman sya saakin ng kaunti but his arms are still on my waist.

"Slow mo naman, Baby Sis! Kung hindi tayo si Zerello Lourence at Zea Louiziana! Kung sa ibang katawan kaya nabuhay ang kaluluwa natin! Kung-ARAY KO NAMAN!" Napa-hawak sya sa kama at sa ulo nya ng tabigin ko ng malakas ang mga braso nyang naka-yakap saakin at malakas syang batukan kaya halos malaglag sya sa sahig.

"Kaya mo naman pala sabihin ng mas maayos! May pa kung hindi kaya tayo itong tayo kapa!" Inis kong turan kaya muling humaba ang nguso nya habang hinihimas ang ulo nya.

Bwisit na bading.

Sasagutin ko na sana ang tanong nya pero pagbukas palang ng bibig ko ay may nauna nang sumagot.

"Magiging masaya tayo. We will have a much normal life than this life we have. Hindi natin kailangan makipag-patayan at panghawakan ang katagang matira matibay. Hindi natin kailangan matakot para sa buhay natin at gumawa ng mga bagay na labag sa loob natin. Makaka-tawa tayo hanggat kelan natin gusto. Pwede tayong mag mahal at pwedeng hindi iyon bawal. Maglalaro tayo habang bata, mag-aaral at pagkatapos non magt-trabaho ng trabahong naaayon sa gusto natin. Trabaho ang kakailanganin natin kapag wala na tayong pera, hindi katulad ng mga ilegal na ginagawa natin ngayon. Mararanasan natin ang normal na pagmamahal mula sa mga magulang. Mararanasan natin kaibiganin ng hindi kinakatakutan. Malayong malayo ang pwedeng mangyari sa mga nangyayari ngayon dahil masyadong malayo ang normal na buhay natin dito sa buhay natin ngayon." Seryosong aniya.

Sa dami ng sinabi ni Zultaro, isa lang ang parang palaso ng pana na tumama sa sintido ko.

'Hindi natin kailangan matakot para sa buhay natin at gumawa ng mga bagay na labag sa loob natin.'

Talaga lang Zultaro. Tsk.

"Kinakausap kaba?! Ikaw ba tinatanong ko?! Bakit ka nakiki-sabat?!" Asar na sabi ni Zerello. Agad naman kumunot ang noo ni Zultaro at agad syang binatukan.

"Makinig ka sa mga sinasabi ng mga nasa paligid mo, engot." Malamig na turan ni Zultaro pero nananatiling naka-kunot ang noo.

"Anong sabi mo?! Bakit naman kita pakikinggan?! Presidente kaba na may importanteng announcement?!" Inis na sabi ni Zerello at tumayo sa harap ni Zultaro na akala mo nag-hahamon ng away.

The Nerdy Girl Is A Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon