New Generation of Hope Academy / Meeting room / After Class
It turns out, matagal na palang alam ni Damian na sa New Gen nag-transfer itong si Kyle. Si Phoebe, alam niya na noong narinig niyang nag-announce sa cafeteria kahapon.
Ako, as always, walang kaalam-alam sa lahat. Same name, same issues!
He started the meeting with a business attitude. Na parang langaw lang ako sa buhay niya. Na parang hindi kami nag-spend ng time together. Na talagang naging tuldok lang ako sa buhay niya.
"So, these are the lists of reports I have received from my schoolmates. These are most serious ones, naka-attach ang photos and documentations, I am hoping this could reach St. Mary's Prefect of Discipline office." Confidently na nag-e-English si Kyle noong inabot niya sa akin ang ibang itim na portfolio folder.
"Eto naman sa amin." Inabot ko yung sa amin. At nakaharap doon yung CD na may video na kinuhanan ni Sara kahapon. "Pwedeng panoorin mo yan? Mukhang nagbabalak ng masama yung New Gen clubs sa amin." Sabi ko.
"That's a big and heavy accusation, Miss Merielle." Sabi ni Kyle. Sobrang laki ng pinagbago niya. Parang binura niya ang mga panahong magkakasama kami noon sa St. Mary High. Halatang hindi siya masaya sa set-up ngayon ng Annual School Visit.
At halatang ayaw niyang kausapin at harapin ako.
Kaya ba hindi siya nagpakilala unang araw palang?
"Hindi ako namimintang, I am just giving you heads up kasi sobrang nakakasira ng ulo naman talaga mag-stay dito sa--"
"Please be careful with the words you're using. Abide by the Code of Morals of the Student Council." Pinutol niya sinabi ko. Since when siya naging ganito? Halos isang buwan pa lang nung nagtransfer siya ah?
Anong ginawa kong masama sayo? Bakit ka ganyan?
"Okay, then. Itong complaints niyo makakarating sa St. Mary High," tinutukoy ko yung folder niya. "Sana naman 'yang sa amin, ipaliwanag mo nang maayos sa Principal niyo. Medyo biased siya---"
"Again, heavy words with no actual evidences." Wow ha, lakas maka-abugado?
This. Is. War.
"Hindi mo pala sinabing dito ka nag-transfer?" Hindi ka na nga rin namin nakita, dahil hindi ka nagpakita. "Hindi ka man lang nagparamdam sa amin nila Phoebe--"
"This is my school now, and I am lucky enough to have my position as Student Council Leader here. I plan to just do my job, and to serve my loyalty in this school." Tumayo na siya non at naunang umalis.
Potek. Ayon na yon? Hearing? Hearing na niya yon? "HOY! Teka nga, Kyle!"
Pero hindi niya ako pinansin. Jerk!
BINABASA MO ANG
Ms. Transferee Meets Mr. SC President
Novela JuvenilKaya naman sana ni Merielle ang buhay transferee sa isang elite school. Ang hindi kaya ng powers niya, ay ang mga mala-artistang schoolmates, bullies, love problems, at school wars na hindi naman niya dapat problemahin! Mag-iiba ang takbo ng buhay-e...
