someday I'll be
livin' in a big old city
and all you're ever
gonna be is mean
someday I'll be
big enough so you
can't hit me
and all you're
ever gonna be
is mean
Kinabukasan, sa Class A.
"We have a new student from Quezon Province Science High School. Everyone, meet Merielle Saavedra." Sabi ni Ms. Sanchez na adviser ng Class A.
Ginandahan ko ang lakad ko papasok sa classroom ng section A at ngumiti nang pagkatamis-tamis. This is it. Another chance.
"Ahm, hi everyone, I'm M-Merielle Saavedra. Nice to meet you." Sabay ngiti. Ganyan lang Merielle! Wag ka magpapakita ng kahinaan mo.
You're doing good. Kalma lang. Wag mag-panic.
Nakapagkilala na ako nung nakaraan, so dapat confident na ako ngayon.
Everything will turn out good.
Pero gaya lang ng reaction sa pinaggalingan ko, nahimik bigla ang buong klase at parang walang narinig.
Nakatingin naman sila sa akin pero wala lang talaga silang reaksyon.
Inisip ko kung mahina ba ang boses ko pero hindi naman dahil praktisado ko ang linya kong ito simula pa kahapon. I am really sure na narinig nila ako. Sadyang wala lang silang pakialam.
Hindi ata nabanggit sa akin ni Phoebe na bingi or pipi yung mga classmates ko here.
Shemay. Mas malala pa ata 'tong section na 'to eh. Yung mga tingin nila parang nagsasabing YOU'RE NOT WELCOME HERE. Why are you here? Why did you come here? You wanna die early?
Hindi ko na lang pinansin iyon at ginala ko na lang ang tingin ko para tignan kung saan pwedeng umupo.
Everything will be okay...
"Now Ms. Saavedra, you may take your seat, and class... ituloy niyo yung pinapasagutan ko sa libro... I'll be attending a meeting. Ms. Vice President, take charge."
At agad namang lumabas si Ms. Sanchez. Oh no! Heto na yun! Ito yung napapanood at nababasa ko kapag may bagong student, binu-bully at kadalasang nangyayari 'yun kapag wala ang teacher.
Umupo ako sa pinakadulo ng room. Unti-unti na ring nag-ingay ang classroom.
"For real? Galing siyang Class C ? To Class A?" Malakas na sinabi ng isang babae sa bandang unahan. Hindi ko na lang pinansin. Baka kasi hindi ako yung pinaparinggan.
Or baka mayroong katulad ko na galing Class C at napuntang Class A. Ganun nga siguro.
Sige lang, deny pa, Merielle. Galing.
Ano naman kung nalipat ako from Class C?
"Unbelievable..." Isa pang babae ang nag-comment.
"You've gotta be kidding me?" Dagdag pa ng katabi niya.
"Maybe may parent siya na teacher or she has connections... you know."
"She doesn't belong here. Look at her, and her shoes!"
"And her hair! Gosh, so baduy."
So, ako nga talaga yung binabanggit nila. Napahinga na lang ako nang malalim at sinubukang pakalmahin ang aking sarili.
This is not the kind of "fresh start" and "something new" I have in mind. Konti na lang lilipad na sa unahan sapatos ko. No, hindi pwede.
First week mo sa bago mong school, Merielle. Kailangan mong magpakabait. Kailangan mong mabuhay dito. Kahit papaano, kailangan mong masanay at sumaya.
Pero patuloy pa din sila sa kaka-react. Kesyong ganito, ganyan. Eh ano naman? Anong masama sa paglipat ko dito?
Si Phoebe mismo nagsabi saakin na sa Class A dapat ako, at bago ako pumasok dito, ang classroom adviser mismo ang naghanap at nag-brief sa akin na lilipat talaga ako.
Ano bang problema nila? Wala akong ginagawang masama!
Everything will be alright.
After a few minutes...
AYOKO NA! SUKO NA KO! MAS MATINDI TO KESA SA HULING SECTION NA PINASUKAN KO!
"Classmates pwede respeto lang oh? Magsagot na nga lang kayo imbis na nag-iingay kayo!" Boses ng Vice na si Phoebe ang nagpatigil sa aking paliparin ang sapatos ko sa harap.
Thank you Miss Phoebe! You're a savior!
Napatingin ako kay Phoebe then ngumiti siya. Shocks, feeling ko bestfriend ko na sya agad!
Nung nagsitahimik ang bunganga at bashers ng mga kaklase kong alien at pugita, biglang may lalaking (sobrang pogi) pumasok sa room.
Hindi ko napigilang hindi sundan siya ng tingin. I'm sure kung kasama ko yung mga besties ko sa dating school ko, naghahagikgikan at naghahampasan na kami.
Ang kaso, mag-isa ka na nga lang. Alone. Wala ka pang karapatang rumampage at humarot.
Kaya for now, hanggang tingin na lang muna.
Matangkad, matangos ilong, medyo bad boy 'yung look kasi hindi nakaayos ng gupit eh.
But then, this is St. Mary High, at ayon sa pagsearch ko ang school na ito ay isa sa mga private schools na hindi gaanong mahigpit at may liberty ang mga students pagdating sa style.
Binaling ko na lang kay kuya yung atensyon ko.
Mukhang ayaw ko na bumalik sa Class C. Dito na lang pala ulit ako. Charot.
Biglang hindi nalang talaga maalis yung tingin ko sa kanya.
Nagulat ako nung umupo siya sa tabi ko. Para naman akong sinilaban sa pwet at hindi mapakali.
Parang malulusaw ata ako dito sa kinauupuan ko ah. Hindi ako mapakali nung talagang na-confirm kong katabi ko talaga siya. Feeling ko mababalisawsaw ako. Shet.
Lumingon ako sa kanya nang patago.
Pero nakatingin na pala siya sa akin.
Oh no. My heart.
"Sino ka?" Tanong niya.
_____
Please give this story a chance, it gets better! :D
Lyrics cited from Taylor's "Mean".
FL01
BINABASA MO ANG
Ms. Transferee Meets Mr. SC President
Fiksi RemajaKaya naman sana ni Merielle ang buhay transferee sa isang elite school. Ang hindi kaya ng powers niya, ay ang mga mala-artistang schoolmates, bullies, love problems, at school wars na hindi naman niya dapat problemahin! Mag-iiba ang takbo ng buhay-e...
