CHAPTER 18 : Start

630 20 6
                                        


"Ang hirap naman sagutin 'to ng walang calculator!" Maktol ko kay Samuel.



"It's just easy, Merielle. You have to try." Sabi niya tapos nakangiti.



"Ano ba yan! Dapat pala hindi na lang ako pumayag na turuan mo ko! Mas lalo kong kinaiinisan ang Math eh! Mas lalo akong nabobobo!"



"Hey. Don't give up. You just have to try it. Okay lang na magkamali."



I rolled my eyes. "Alam mo yung easier said than done? Applied na applied sa buhay ko yun ngayon ehh. Samuel, peram calcu!"



"No. You have to answer it or else..." Nag-isip siya saglit. "Maglilinis ka ng kwarto ko!"



"Hoy! Ano ka sinuswerte? Bahala ka dyan. Uuwi na ako—" bandang huli binigay na sakin ni Samuel yung calculator.



"Next time practice ka ng walang calculator. Okay?"



"No way. Nakakabuang kaya!"



"Madali lang-"



"Palibhasa kasi anak ka ng businessman. Sanay ka. Eh ako? Bugok na bugok sa numbers!"



"Sir. Heto na po yung pizza na in-order ninyo." Tawag nung katulong. Nagmadaling buksan ni Samuel yung box.



"Peaches. Hindi mo ba ako aalukin?" Tanong ko habang naglalaway sa pizza na kinakain ni Samuel.



"No. I'll let you eat if you solved the problems correctly." Sabi niya.



"Eh baka ubos mo na yan lahat pag natapos ko 'to!"



"Hindi yan. Bilisan mo lang." Nakangiti niyang sabi. Inirapan ko siya to death habang nagsasagot ng mga problem na binigay niya.



"I really hate you talaga ngayon, Peaches." Sabi ko habang nakanguso. Pero parang wala naman siyang narinig.



Matapos ang nakakamatay na dalawang oras ng pagsagot sa mga lecheng problems na yan, ipinakita ko na yung mga sagot ko sa kanya. Binuksan ko kaagad yung box ng pizza at literal akong napaiyak.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon