CHAPTER 67 : The Water's Rough

123 7 2
                                    


"Parang sumabog ang utak ko!" Reklamo ni Sara na padabog ng nilagpag ang mga libro niya sa mesa.



"Did you do well?" Tanong sa akin ni Phoebe pagkasalampak ko sa pwesto namin sa cafeteria. 



"Hindi ko alam, nanghula na lang ako sa ibang items." Sagot ko tapos naghilamos ng mukha. Kung kailan namang Fourth Quarter na, saka pa ako babagsak. Nangangamoy reapeater na ba?



"Shit, ang hihirap ng tanong, no?" Tumabi sa akin si Allain, na kaparehas kong nakapalumbaba na rin. "Kahti tinuruan tayo ni Damian, ang hirap ng mga tanong pang ibang galaxy!"



"It's a bit challenging, yes." Tumango naman si Samuel, pinanood lang namin siyang kalmadong umiinom ng orange juice sa bote. "Why are you all looking at me like that?"



"Wala, sana lahat kasing talino mo diba." Sabi ni Allain. Kakatapos lang lahat ng mga subjects for Final Quarter exams, at pare-pareho kaming nangamote at down na down.



Last two weeks ago, nag-announce kasi ang principal na ipo-postpone ang Prom Night para makapag-focus ang lahat sa exams. Hindi natuwa ang karamihan, pero naisip kong okay lang naman 'yon kasi panay walang klase nung December. Baka naghahabol lang kami.



At sa sobrang paghahabol namin sa lessons at exams, eto kamote. Betlog for sure.




My phone vibrated at agad kong chineck kung sino ang nag-text. Napangiti ako.



From: Damian
Can't  walk you home today.
Sorry.



Napahinga naman ako nang malalim. Lately, sa classroom na lang kami nagkikita nitong si Damian. Minsan pa nga, hindi siya pumapasok. Marami raw kasi silang inaasikaso sa council ngayon. Siguro dahil malapit nang matapos ang school year.



Nakakatuwa rin naman ang efforts niya to make up for lost time, kasi nung nakaraan tinuruan niya kami ni Allain para sa exam. Pero, ayun na lang ang huling quality moment ko.



Palagi na rin kasi siyang pinapatawag ng principal at parang ang daming pinapagawa sa kanya.



Nagreply ako kaagad. Okay lang, galingan mo sa meeting! :D 



Itatabi ko na sana ang phone ko kaso nagreply kaagad siya.



From: Damian
No, I'm going home. Headache.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon