CHAPTER 28 : Burning Red in Anger

248 8 6
                                        


DAY 13 / NEW GEN / SCHOOL GROUNDS



"On your marks," Super focused ako habang naghihintay ng signal sa PE Teacher naming si Mr. Fidel. Babad na kami kaagad sa init at sobrang pawis ko na kahit unang salang pa lang ng section namin sa pagtakbo. 


"Huy, galingan niyo guys, ah. Para sa karangalan." Sabi ko kay Sara, at sa iba kong schoolmates na taga St. Mary. "Focus lang tayo."


"Yes! We can do it!" Sara replied. 


"Asa. We own this field, we will win on this one." Narinig kong may taga-New Gen na sumabat. Hindi nalang namin siya pinansin. Wag kang nangaagaw ng moment kuya!


"Ready. Get set. Go!" Isang pito at lahat kami mabilis na kumilos at tumakbo.


13th day na namin sa school at umiigting ang kompetisyon ng St. Mary students at New Gen sa kung anu-anong mga bagay. Basta may rankings, tests, at mga simpleng friendly (but not so friendly) PE games na ganito, gigil na gigil ang lahat manalo.


Kahapon kasi sikat pangalan ni Samuel at Gino, dahil sila ang nanalo sa mga section nila. Simula non parang lalong nanggigil mga taga New Gen sa amin.


Bitter lang sila kamo.


Kasalanan ba naming magagaling kame?


"KAYA NATIN TO GUYS!" Sigaw ko kahit kinakapos kapos na ako sa hininga. Hindi naman talaga ako sporty pero kailangan kong i-boost ang morale ng mga kaklase kong St. Marynians, baka sakali makapanalo ulit.


Nilingon ko si Sara na kahit maliit na babae at very cute siyang gumalaw, eh medyo maliksi din. Hanggang sa naunahan na niya ako. Go, Sara! Bring home the bacon!


Nakita ko din yung ibang St. Marynians na nauuna. 


"AHHHH! ASA KAYO!" Sigaw ng taga New Gen na si Jackson. Siya yung nagpasimula ng paper fight nung first day at simula non naging kontrabida na sa buhay namin sa section 8.


Pero mabilis siyang tumakbo. Oh no!


Binilisan ko na lang din ang takbo ko kahit na alam ko malalagutan na ako ng hininga. 



"GO MERIELLE! GO SARA! GO ST. MARY HIGH SCHOOL!" Naririnig ko ang cheer ni Phoebe na nanonood kasama sila Samuel at Gino sa gilid. 


Free ang first four hours dito sa New Gen kapag PE day. Kaya naman, sobrang daming tao. Halos ata lahat ng Grade Ten students nandito dahil sa larong ito. At syempre mas maingay talaga at magulo dahil hindi lang basta ito laro para sa amin. 


"Ang baduy niyo!" Narinig kong sabi ulit ni Jackson. Nakakagigil na siya. Pinilit ko siyang ungusan pero ang bilis niya. Nakita kong hinahabol niya ang stance ni Sara na cool cool lang sa pagtakbo.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon