CHAPTER 52 : Huling Tampisaw

206 7 2
                                        


Last day of vacation at nag-decide na kaming maglibot-libot muna sa mga tiangge, souvenir shops, at iba't ibang attractions malapit sa beach.



Naghiwa-hiwalay kami since magkakaiba kami ng mga gustong bilhin or tignan. Magkasama si Samuel at Sara na naglibot.



Humiwalay naman si Phoebe at Kyle.



At nagkasundo kami ni Allain na magsama since wala naman kaming choice, kami ang third wheels ng apat na 'yon.



Patalon-talon si Allain nung nakita niya 'yung lalaking maraming tattoo sa katawan. "Magpa-tattoo tayo!"



"Ha? Ayoko nga, magagalit ang Papa ko sa akin!" Tutol ko naman sa kanya na ikinanguso niya.



"Gaga, henna lang naman 'yan tapos maliit lang ipapalagay natin at itago mo na lang!"



Na-engganyo naman ako kaya pumila na kami sa henna tattoo shop. Panlima si Allain at nakasunod lang ako sa kanya. Balak ko sana magpa-tattoo ng flowers sa wrist. Si Allain balak niya sa braso niya daw para cool.



Abala akong tumingin ng iba pang design ng tattoo na nakadisplay nung hinampas ako ni Allain sa braso.



"Aray! Lakas mo manghampas ah!" Sigaw ko sa loob ng tattoo shop.



"Look, bakla! Si Papa Damian!" Tumalon-talon siya sabay turo sa labas. "Ang hot!"



Nasa isang souvenir shop siya, shirtless, at abalang tumitingin ng mga keychains.



At may kasama siyang babae na sobrang sexy at hitsura pa lang parang mas matanda siya ng konti kesa sa amin.



Bago ko pa napigilan si Allain hinila na niya ako palabas at nilapitan si Damian at 'yung babae.



"Hi, Pres! Nandito ka rin, OMG!" Nakangising bati niya sabay tingin sa kabuuan ng katawan ni Damian. "Nagwo-work out ka pala, ang ganda ng katawan mo! Yummy!"



Gusto ko na lang magpakalunod sa hiya sa mga sinasabi ni Allain.



Pinigilan kong tumingin, pero automatic talaga yata ang mata ko at nakita kong nakangisi siya kay Allain. In fairness, hindi siya simangot.  "Fancy seeing you here too." Sabi niya.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon