CHAPTER 70 : Not a Good Bye

404 5 8
                                        

"Bakla! Sumulat ka!" Sigaw sa akin ni Allain habang kumakaway, kasunod niya si Phoebe na umiiyak.



"I-chat ko pa kayo!" I shouted back.



"Baka naman maging isnabera ka na kapag nandoon ka na?" Nagpupunas ng luha si Phoebe habang hinahaplos siya sa likod ni Kyle.



"No way! We're gonna be hunting you, Merielle!" Tutol naman ni Sara, na kakatapos lang umiyak.



"Peaches, we'll try to visit sometimes." Nginitian ako ni Samuel nang pagkatamis-tamis. "This is not a goodbye."



"Yeah." Nilingon ko si Kyle na nakangiti rin sa akin habang yakap niya sa tagiliran si Phoebe. "See you again, Merielle Saavedra."



I smiled as I take a last long look at my friends. Everyone's here, except for Damian.



It took me only a year to love this city and the people here. Hindi ko gustong umalis, kasi pakiramdam ko parang marami pa akong gustong puntahan, gusto ko pa sila makasama.



But I have to.



Gusto ko pa sanang bumaba para yakapin ulit sila, kaso isang oras na rin kaming nag-iyakan kanina at alam kong mahihirapan lang ako ulit.



"Wag niyo kong kalimutan ha!" Sigaw ko sa kanila nang maramdaman kong nag-start na ang pick-up na inarkila ni Papa. Nasa loob sila ng sasakyan kasama si tita at 'yung driver na binayaran para maghatid sa amin.



Patuloy ang pagkaway ko sa kanila habang unti-unting lumiliit ang tingin ko sa mga kaibigan ko. I felt that familiar ache again. I won't be seeing them for a long time, but I will definitely see them again soon!



Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luha ko. I checked my phone if Damian has a reply, only to be disappointed because he didn't have at least one.



Alam naman niyang ngayon ang alis namin, at halata namang ayaw niya akong makita.



Maybe it's better off this way.



I tried calling his number for the sixth time, but it was only ringing. 



Hindi na ako magagalit sa kanya. Kasi ako, nainintindihan ko siya. Kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya, alam kong mahirap magpaalam.



Alam kong iiyak na naman ako kaya humiga na lang ako sa pwesto ko. Ginawan ako ni Papa ng make-shift tent dito sa likod ng pickup para hindi ako mainitan o maulanan sa byahe. Kasama ko dito sa likod ang ibang gamit naming hindi na kasya sa truck.



Napahawak ako sa suot kong kwintas na regalo ni Damian.



I miss him already.



Dapat nagpaalam man lang siya. Kahit hindi na niya ako kausapin, basta nakita ko man lang siya ulit bago umalis. Pinigilan ko ang selfish side kong mangibabaw sa mga nararamdaman ko. 



He promised to visit, diba? Every weekend daw, if may time siya, hindi pa ba okay 'yon?!



Napabuga na naman ako ng hinga. Eto ba 'yung sinasabing LDR problems?!



I sent him a text bago ako umidlip. 



I will miss you, alis na kami. :(



----



"Aba, namuti ka sa Maynila ah." Malaki ang ngiti sa akin nang salubungin kami ng tita ko na pansamantalang tumira sa bahay namin dito sa Atimonan. Niyakap ako ni tita at inamoy ang buhok ko. "Amoy Maynila ka na rin ah."



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon