CHAPTER 68 : But This Love is Ours

240 7 4
                                        

Don't you worry 
your pretty little mind
People throw rocks 
at things that shine
And life makes love
look hard



Last week na ng pasok at hindi ko na nakikita si Damian. Hindi naman siya absent, kasi kapag tinatanong ko siya kay Sander, palagi niyang sinasabi na busy siya sa SC office, at tumutulong rin kasi ang SC  officers sa Moving Up Ceremony next week.



Wala naman nang klase at panay pag-iintindi na lang ng completion ng final projects ang mga ginawa namin. 



Kapag may oras naman akong kumatok at sumilip sa office, palagi siyang wala doon. Ang hirap talaga hanapin ang taong ayaw magpahanap! Nagti-text at tumatawag rin ako pero wala siyang mga reply sa akin. 



"Bakla, saan ka nga kasi magaaral?" Pangungulit sa akin ni Allain habang marami siyang dalang mga brochure at leaflets ng iba't ibang schools at universities na nago-offer ng Senior High.



Ngayong week sila nagsidatingan para mag-convince ng students na mag-enroll sa mga institutions nila.



Samuel and Sara decided to go to the same university, pero wala pa silang naiisip raw. Si Phoebe naman, balak sundan si Kyle sa isang state university. 



Si Allain naman, undecided kasi iche-check niya pa raw saan 'yung merong mas maraming pogi na students.



Ako na lang ang hindi nagsasabi ng plano. 



Kasi alam kong malulungkot sila. 



Hampas ni Allain ang  nagpabalik sa akin sa katinuan. "Nakatulala ka na naman, porke no show si Papa Damian mo ha." Nag-irapan kaming dalawa. 



Tapos inabot niya sa akin 'yung mga brochure. "Busy lang siya, hindi kayo naghiwalay! Intindihin mo muna ang papasukan mo, Merielle!"



"Oo, nagtitingin-tingin na rin ako, wag kang masyadong highblood dyan." May papasukan na nga ako, naunahan ko pa kayong lahat mag-decide!



Pero syempre, hindi ko muna sasabihin sa kanila, diba? 



Dumaan muna ako ulit ng SC office bago mag-lunch pero nakailang katok na ako, walang sumasagot. Sinilip ko ang maliit na bintana, nandoon si Damian na nakasinamangot na nagaasikaso ng mga papel. 



Gusto ko sanang pumasok at kausapin siya, pero naka-lock 'yung pinto. Bakit ayaw niya bang buksan? Alam niya bang ako 'yung kumakatok?!



Ilang araw na rin akong hindi kinikibo nitong lalaki na 'to, simula nung umamin ako sa kanya na uuwi akong Quezon Province dahil doon ako mag-aaral ng Senior High. 



No choice na rin ako na ipaliwanag sa kanya, kasi nung nakaraang linggo na nag aayos ako ng mga requirements, napansin niya 'yon at hindi na ako makalusot.



But it doesn't give him the right to ignore me!



Ayaw ko rin naman sanang umuwi, since napamahal na ako sa friends ko dito sa Manila at syempre, dahil rin sa kanya. Pero since gipit kami ngayong nagsara ang meat shop, wala na akong choice!



Sinubukan kong tawagan ang phone niya. From the window, I could see him looking down at his phone and ignoring my call. Bwisit! 



Hoy. Ayaw mo ba ko makita? Kausapin mo naman ako! 




Mabilis kong type ng text sa kanya. Pinanood ko ulit siya kung paano niya padaanan ng tingin 'yung text ko. He picked up his phone, akala ko magrereply siya.



Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon