CHAPTER 65 : Not Yet Over

199 9 3
                                        


"Everything's a mess here, Merielle." Nakakunot na naman ang noo niya habang hawak ang libro ko. Nahiya naman ako nung napailing siya. "Seriously? There's no hope for you."




Pinagmasdan ko ang mukha ni Damian na nakasimangot sa mga sagot ko sa textbook. Niyaya niya akong mag-aral sa library (doon sa usual spot namin) ngayong after class, dahil sabi niya gusto niya raw tignan ang mga sagot ko para sa homework namin.



"Grabe ka naman." Binawi ko na lang 'yung libro tapos nagpatuloy sa pagsasagot. "Mahina man ako sa Math, at least ginagawan ko ng paraan!" Katulad ng dati, hinablot ko na lang 'yung libro niya para tignan kung saan ako nagkamali.




Wala akong tinama sa sampung word problems. Okay, baka wala na ngang hope.




Napangiti naman siya sa akin. "I could let you copy my answers but..." Nilingon ko siya nang maramdaman kong pinagdiskitahan na naman niya ang buhok ko. Hinawakan niya ang dulo non tapos parang inaamoy-amoy pa. "What do I get in return?"



Sinamaan ko siya ng tingin. Una, dahil ayan na naman siya sa mga pabor niya na may kapalit. Pangalawa, dahil nadi-distract ako sa paghawak at pag-amoy niya ng buhok ko!


"Wala, walang kapalit." Sinimulan ko nang kopyahin 'yung sagot niya pero tinakpan niya ng kamay niya 'yung mga sagot. "Kahit tatlong items lang, sige na!"


"What do I get in return?" He repeated, his eyes are dancing with different colors. Ayan na naman ang mga ngiti at tingin niyang nakakaloko!




Inirapan ko na lang siya at nagpalumbaba para mag-isip. "Ako ang maglilibre sa'yo ng empanada mamaya pag-uwi."




Since ilang linggo na rin kaming magkasabay maglakad pauwi ni Damian, lagi naming bonding ang pagbili doon sa bakery na may empanada na masarap.




Tinaasan niya ako ng kilay. "I don't feel like eating empanadas today." Hindi pa rin nawawala ang kamay niya sa buhok ko. Bukas nga magtatali ako ng buhok! "You have to think of something better, Merielle." 




Para siyang nangaasar sa tono ng boses niya.


I give up. "Ano bang gusto mo kasi? Kwek-kwek?" Inis kong tanong sa kanya.


I heard him cleared his throat. Tapos non nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Alam na alam ko na kung anong gusto niya agad, kaya naman mabilis kong dinampot ang textbook ko at hinarang iyon sa pagitan ng mukha namin magkalapit. Bago pa siya makaisa!



Narinig ko siyang tumawa. "Fine." Binalik niya sa akin ang libro niya. "Copy all you want."



Para akong pinagpawisan ng sobra doon. Inirapan ko na lang siya. May pagka-pilyo rin pala 'tong mokong na 'to ah! 



Pero paano naman ako magagalit sa mukhang 'yan diba?




Nginitian na naman niya ako. Lately, parang nasa good mood siya lagi. Magandang bagay naman iyon. Wala siyang napag-iinitian ng ulo at sinusungitan. Siguro dahil na rin iyon sa announcement na ginawa niya nung nakaraang linggo. 



Inaway ko siya nung nakaraan after niyang sabihin sa buong klase na girlfriend na niya ako. Hindi pa naman ako pumapayag eh! Pero pinipilit niyang mas okay na raw na ayon ang alam ng lahat para tigilan na ako nila Mia at mga alipores niya.

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon