1 Kilo sibuyas
2 Kilos kalamansi
1/2 kilo bawang
1/2 kilo luya
2 trays egg medium
3 kilos chicken (adobo cut)
1 kilo tilapia
Inulit-ulit ko 'yung pagbabasa ng listahan bago ako lumabas ng palengke. Mukhang nabili ko naman lahat. Good to go!
Ako ang nautusan nila Tita at Papa na mag-palengke ngayong Sabado habang sila ay nasa ibayong lugar ng Baguio para bumili ng stocks ng gulay. Hindi na ako pinabili ng meat dahil business iyon ni Papa at may sarili kaming meat shop banda sa palengke at marami kaming stocks non.
Pumayag na rin naman ako dahil bukod sa tapos ko na 'yung mga homework ko sa school, hindi naman tuloy 'yung lakad sana namin ng mga friends ko.
And I need to get my mind off of many things.
Okay din naman itong naiiba ang mundo ko paminsan-minsan. Dati nga sa Quezon Province, ako lang rin naman ang halos taga-pamalengke nila nung nagsisimula pa lang ng business sila Papa.
Nakaka-miss lang 'yung simpleng buhay ko noon.
Mabibigat 'yung mga pinamili ko kaya nagpatulong ako sa isa sa mga kargador sa palengke hanggang sa may sakayan. Naghihintay ako ng pwedeng masakyan pauwi na jeep nung may nakita akong street food stands. Hindi na rin pala ako makakapag kwek-kwek, next time na lang.
May pagkain pa naman pala ako sa bahay. Yung mga empanada.
Napailing ako. No, Merielle! Wala kang iisiping tao for today! Okay? Day off mo ngayon at weekend. Walang stress, walang kahit sino dapat ang--
"Merielle?" May boses na tumawag sa akin. Pagkalingon ko, nagulat ako nang makita ko si Kyle na naka sando at shorts lang tapos may dalang grocery paper bags.
Shet.
Bakit ganyan ka, tadhana?! Kakasabi ko lang ayoko ng stress eh!
"Saan ka galing?" Tanong niya in a casual way.
Pinilit kong magsungit. "Sa mall." Like duh, kita mo dami kong bitbit malamang sa palengke ako galing diba?!
"You don't need to ignore me, we're not in school." Sagot ulit sa akin ni Kyle.
Inirapan ko na lang siya. Bakit ba kasi ang hirap bigla sumakay?
BINABASA MO ANG
Ms. Transferee Meets Mr. SC President
Teen FictionKaya naman sana ni Merielle ang buhay transferee sa isang elite school. Ang hindi kaya ng powers niya, ay ang mga mala-artistang schoolmates, bullies, love problems, at school wars na hindi naman niya dapat problemahin! Mag-iiba ang takbo ng buhay-e...