CHAPTER 55 : Secret Affairs

147 6 10
                                    


Day 1 - Quarterly Exams - St. Mary High

"Mia is the original mean girl leader ng batch namin noon, then suddenly one day she just went bubbly and kind to everybody when she decided to run for the council. I won the position last year, and Damian handpicked her to be his VP simula nung ma-impeach si Kyle. She is the only daughter of the Alcantaras, from what I heard they own half the shares of the school and also one of the biggest sponsors of St. Mary."


Naalala ko 'yung sabi ni Phoebe sa akin nung nagtanong ako kaninang umaga sa kanya. Hindi ko sinabi kung bakit ako nagtatanong about kay Mia, at lalong hindi ko sinabing nakita ko na si Mikko Mendez kahapon at nalaman kong magpinsan sila.


Gusto kong malaman anong pakay ni Mia bakit niya ako gustong-gusto na mapaalis dito. Wala naman na ako sa council. Hindi naman na kami nagkakasama ni Damian (except sa secret meeting namin sa library for tutorial mamaya).

Hindi ko lubos maisip anong ginawa kong mali sa kanya at binu-bully niya ako.


Mula sa pag-attempt na lasingin ako nung farewell party, mga notes na may threats, at itong video na kinalat niya. Ano bang gusto niya saken?

Narinig kong parang may umubo nang mahina kaya natauhan ako. Nagsasagot nga pala ako ng test sa Science! Shemay.

Napatingin ako sa direksyon ni Damian. Iniisip ko kung sasabihin ko sa kanya 'yung mga nalaman ko.

O baka sarilinin ko na lang. Pakiramdam ko kasing may something na gagawin si Mia at lalong ikakagulo ng lahat, kaya hindi ko na sila idadamay.


Whatever Mia is planning to do, kaya ko naman iyon, diba?


Napalingon naman ako kay Mia na nakaupo sa harapan banda. Hindi ko siya uurungan.

"Merielle? Are you done answering?" Tanong ng adviser namin sa akin, ramdam kong nagsilingunan silang lahat sa akin.


"Ahm, not yet pa po. Iniisip ko lang po ang sagot." Sagot ko, tapos may ibang nagtawanan.


Our teacher pointed at the wall clock. "Twenty five minutes left." Matapos non, nagseryoso na ako sa pagsasagot at isinantabi ko na lang muna 'yung mga iniisip at pangangamba ko tungkol kay Mia.


Natapos ang limang subjects at lunch time na, 'yung ibang students nagsiuwian na dahil shortened period kapag exam day. 'Yung iba naman nag-stay pa rin para kumain at tumambay, gaya namin dito sa cafeteria.


"Grabe 'yung mga tanungan sa English, ang lalalim ng mga poems na ginamit ni Ma'am! Hindi ako confident!" Pag-aangal ni Allain habang kumakain kami ng lunch.


"Samuel handed in his papers first for every subject." Kwento naman ni Phoebe habang napapailing. "Ayaw magpakopya."


Lalo namang gumanda ang tingin ni Sara kay Samuel. "You really are a genius, Samuel." Sabi niya sa jowa niyang hilaw. "I was a little distracted kanina kasi nagugutom na ako."


"How about you, Peaches?" Tanong ni Samuel sa akin. "How was it?"


Napatigil ako ng pagnguya. "Nangangamoy bawas baon." Ang hihirap nga ng mga tanong, halos wala pa sa sampu 'yung mga pamilyar na lessons. 'Yung iba parang hinugot somewhere at hindi ko sure kung naturo ba or what.


"Guys? What if mag-group study na tayo for tomorrow's remaining subjects?" Samuel offered out of the blue. Everybody agreed right away at naguusap na sila kung saan pwedeng tumambay para sa group study.


Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon