CHAPTER 6 : It's Him!

1.2K 32 3
                                        


Muntik na talaga kong mapasigaw sa sobrang gulat kanina. Buti na lang natakpan ko kaagad yung bibig ko kung hindi... kung hindi patay na!




Sa sobrang duwag kong makita nila, pumunta na lang ako sa room. Grabe! Di ako makapaniwala sa narinig kong sinigaw ng lalaking kausap ni Phoebe! 



"Good morning, class." Hindi ko napansing dumating na pala si Ma'am para sa first subject kasi lutang pa rin ang isip ko sa mga nakita at narinig ko. 




"Merielle, where's Phoebe?" Tanong ng katabi ko sa gilid. Si Kyle.




Kabado ko siyang hinarap. Anong sasabihin ko? Nagkibit-balikat na lang ako.



Alangan namang sabihin kong nakita ko si Phoebe sa likod ng CR na may kausap na lalaki na nagsasabing iwanan ni Phoebe si Kyle?



"Why isn't she here?" Tanong niya. Lumingon siya sa akin at saka niya na-realize na narinig ko ang sinabi niya. "Do you know where she is?"



Hindi ako makasagot. Kumakalabog ang puso ko. Hindi pwedeng sa akin manggaling ang nakita ko kanina sa likuran ng restroom building. Ayokong makasira ng relasyon. It's not my story to tell.



Ayoko rin namang magmukhang kawawa si Kyle.



Friends ko silang dalawa! Sino ba kasi yun? Yung kasama ni Phoebe kanina? Bakit ganun? Argh.



Problema nila 'to pero  ako yung namomoblema?! Ayan kasi ang napapala ng mga usiserang katulad mo Merielle. Kainis. "Bakit daw hindi siya papasok sa first subject?"Tanong ulit niya.



Ano ba yan? Sasagutin ko ba tanong niya? Ano namang sasabihin ko?! 



Oo alam ko kung nasaan si Phoebe nandun sa may likod na likod ng CR may kausap na ibang lalaki. Ayokong sagutin pero kasi... Bahala na!



"Ah, baka naman may dinaanan lang. Hindi ko na kasi siya nadatnan sa CR kanina nung sinundo ko eh. " Sabi ko. Sana naman kagatin niya 'yun!



Ayan na naman ang ngiti niya, pero mukha siyang worried. "Baka nga." Sagot ni Kyle. Halata sa mukha niya na may problema sila ni Phoebe. Ano kaya yun? Mamamatay na talaga ako sa curiosity.



"Alright, Ms. Saavedra and Mr. Martinez, you have to get out of my class! Kanina pa kayo nag-uusap dyan habang gumagawa ng seatwork! Step out of the class, now!" Nagulat ako sa sigaw ni Ma'am. Nanigas ako sa upuan ko. 

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon