Take a deep breath as you walk
through the doors
it's the morning
of your very first day
"Hi everyone! I'm Merielle Saavedra From Quezon Province. Nice to meet all of you!"
Then there was a silence...
An awkward, deafening silence, yung tahimik na nagsasabing hindi ka welcome dito.
Ayan ang eksena ko noong unang araw ko dito sa St. Mary High. Isang prestihiyosong private school na sabi ni Papa, karangalan ang makapasok ako dito.
I tried to be kind and friendly naman. Palagi naman akong ngumingiti.
Ba't naman ganito?
Pangatlong araw ko na dito sa St. Mary High, pero wala pa ring pumapansin sakin.
Alam kong normal lang ang awkward feeling kapag transferee. Medyo iwas sa'yo 'yung iba.
Pero pangatlong araw na, wala pa rin talagang ngumingiti pabalik sa akin kapag nagi-initiate ako ng friendly smiles or short talks.
Ano bang mali sa akin? Nagtu-toothbrush naman ako. Naliligo. Sinasabon ko naman mukha ko. Bakit ayaw pa rin kuminis -- este, bakit ayaw nila ako kausapin?
Napahinga ako nang malalim. Kapag nagpatuloy pa 'to, magiging boring at hindi exciting ang school year ko.
----
"Ah, Miss Saavedra?" Pakagat na ako sa hotcake nang may lumapit at tumawag sa pangalan ko. Alam kong ako 'yung tinatawag pero hinintay ko munang makalapit nang husto 'yung babae bago ako mag-react.
Nginitian ko agad siya dahil sabik na sabik ako makipag-friends. Finally may pumansin na sa akin!
"Ahm, bakit?" Tanong ko sa babaeng ubod ng ganda. Hindi lang siya ganda-looking. Ganda with utak looking rin siya dahil sa eyeglass na suot niya.
Para rin siyang kabogera ng taon at dyosa. Sana ganyan din ang aura ko kapag nagsasalamin.
Ako kasi mukhang nerdong ewan lang eh.
"Hi. I'm Phoebe. Student Council's Vice President." Sabay abot niya ng kamay. Agad naman akong nakipag-shakehands at ngumiti.
Finally, may potential friend na ako! Nakakatuwa naman!
Meron siyang warm smile, at para naman siyang mabait. The fact na malambot ang kamay niya, convinced akong welcoming siyang klase ng tao.
Hay. Sana maging okay lahat.
"Ikaw si Merielle Saavedra from Grade 10 Class C right?" Tanong ni Phoebe sabay upo sa harap ko. May hawak siyang green na folder at parang may binabasa siya.
"Ah, yes. Ako nga." Medyo kinabahan ako ng konti. May problema ba? "Bakit?"
"May nangyari kasing... ah, sabihin na nating problema sa sectioning. Napunta ka sa sa Class C but your average deserves you to be in Class A." Paliwanag niya.
Nung una hindi ko masyadong maintindihan, pero hindi naglaon nag-sink in na rin sa akin ang sinasabi niya.
Medyo nag-aadjust rin ako ngayong nandito na ako sa Manila nagaaral. Panay pala ang English nila dito.
Hindi pa naman kasi ako nag-aalmusal. At nakaka lutang nga naman 'yung feeling kapag transferee ka at feeling mo di ka pa warmly-welcomed sa school.
"T-Talaga po? Hindi ka nagbibiro?" Abot tenga ang ngiti ko sa narinig ko. Class A daw ohh! Ibig sabihin malilipat ako ng klase?
"Oo. And also, on behalf of our school and of the SC Office, I would like to say sorry sa nangyari. Simula bukas, sa amin ka na papasok." Yung ngiti niya para siyang dyosa ng kabaitan.
"Kakaupo lang kasi ng bagong SC President kaya hindi pa masyadong organized ang sectioning dahil busy pa." Pagpapatuloy niya.
Halata namang elite school itong napasukan ko. At maraming mayayaman. Paano ako naka enroll dito? Hindi ko alam sa Papa ko. Nagbi-business lang 'yon eh.
Pero I'm sure na matutuwa 'yon sa balitang mapupunta ako sa first class!
Nagbunga ang mga pagpapabibo ko sa dating school ko sa Quezon Province. Go, Merielle!
"Sige po!" Natutuwa kong sagot. "Punta na lang po ako doon, sa kaharap na room lang naman iyon ng Class C, hindi ba?" Tanong ko.
She smiled even more. Nakakaloka ang ganda niya! May mga artista kaya dito? "Yes, see you tomorrow!" Tapos non ay umalis na siya.
Masaya kong kinain 'yung hotcake ko.
Napatingin ako sa paligid at doon ko napansin na parang narinig ng mga katabing table yung usapan namin ni Phoebe. At parang kakaiba ang mga tingin nila.
Hinayaan ko na lang ang mga tinginan nila pero natigil ang mata ko sa isang lalaki na ang bigat masyado kung makatingin. Mag-isa lang siya sa table niya at parang hindi niya ginagalaw ang pagkain niya.
Kinausap lang ako ng SC officer, wala akong kasalanan!
Umiwas na lang ako ng tingin nung parang nakikipagtitigan na lang siya sakin. Naghahanap ba ng away 'yon?
Transferee ako. Need ko magtimpi. Hindi ko muna ilalabas ang kakulitan at palaban attitude ko.
Kailangan ko munang makiayon sa kanila, head down, mouth shut, at alamin kung paano sila gumagalaw dito.
Pero masaya akong malilipat ako sa Class A. It's another shot para magpakitang gilaw at ma-welcome nang maayos.
Sana mababait students don.
Sana marami akong maging friends!
Sana maraming pogi--I mean, matatalino para mahingan ko ng tulong sa Math.
Napahinga ako nang malalim at tinapos ang pagkain ko. Feeling ko start of something new na naman bukas.
Pero kebs! Kakayanin ko 'to! Ako lang naman si Merielle Saavedra of Quezon Province!
___
Hi, readers! *waves*
Please keep reading, it gets better!
FL01
BINABASA MO ANG
Ms. Transferee Meets Mr. SC President
Teen FictionKaya naman sana ni Merielle ang buhay transferee sa isang elite school. Ang hindi kaya ng powers niya, ay ang mga mala-artistang schoolmates, bullies, love problems, at school wars na hindi naman niya dapat problemahin! Mag-iiba ang takbo ng buhay-e...
