CHAPTER 35 : War Freak

133 7 5
                                    



As planned by the Student Council Officers ng New Gen, pinalabas nilang walang pasok ng Monday para hindi mag-attend at walang pakalat-kalat na St. Marynians habang nag-uumpisa silang mag-sala ng mga participants for the upcoming SciNAG competition.



Ginamit ko na lang ang free day para mag kulong sa kwarto at magpatugtog para mawala ang stress ko kahit papaano. It's Monday free day, kailangan nating mag shake ng stress away. 



"Merielle, anak? Hindi ka pa kakain?" Dungaw ni Papa sa pintuan. Kasalukuyan akong nasa kama at nagse-cellphone lang habang napakalakas ng tugtog ko sa bluetooth speaker. 



Ang tagal ko ring hindi namahinga ng ganito.



"Hindi pa ho, mamaya nang tanghali." Sagot ko kay Papa, kaninang alas-syete pa niya ako niyayayang kumain ng almusal. Eh, since wala ako sa mood simula ng drama namin ni Damian nung Sabado, eh parang wala ako sa wisyo kumain kaagad.



I am just going to spend this free day to treat myself.



"O sige, pakihinaan mo na lang ng konti ang patugtog mo ha, alas nuebe pa lang kasi." Sinunod ko naman si Papa pagkaalis niya sa kwarto ko.



Eto lang 'yung bukod tanging pahinga ko after ng nagdaang mga linggo sa New Gen simula nung nagkaroon ng Annual School Visit.



At matatapos na siya in a few days...



At babalik na kami sa aming beloved school St. Mary High...



At hindi na ako makakaiwas sa kanya. 



After nung nangyari nung Sabado, hindi ko alam kung may powers pa ba akong harapin si Damian Samaniego. Magkahalong bwisit at lungkot sa tuwing naalala ko 'yung away namin.



Daldalera at talakera naman ako by nature, pero bakit nung time na 'yon na galit na galit siya, hindi ko siya nabungangaan? Parang hindi ko maintanggol ang sarili ko?



Nakarinig lang ako ng hurtful words?



Well, hindi naman talaga hurtful ang mga iyon, walang halong insulto, pero ang sakit.



Kaparehas lang niya si Kyle. Magsama silang dalawang damuho!


Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon