CHAPTER 23 : The Game Is On

290 7 0
                                        


"Nandyan na ang mga elitista!"



"RK yarrrn?"



"Good luck sa stay ninyo dito!"



"Ops, ops, ops, dadaan mga dugong bughaw!"  Kasunod ng mga sigaw na 'yon ay tawanan sa magkabilang dulo. Nandito na kami sa New Generation of Hope Academy  ngayon at papasok pa lang ng gate ramdam ko na yung mabibigat na tinginan ng mga studyate.


The protocol was to attend their first flag ceremony of the month. Saktong date ng dating namin. This is the school were we will stay for 30 days. Di ko alam kung keri ba ng kagandahan ko ito.


Iisa lang ang alam ko: walang kwentang SC President na si Damian ang nagpapunta sa amin dito. 


"Merielle?" Nilingon ko yung isang kaklase kong kanina pa takot na takot. Pinapila ko kasi sila kaagad sa school ground pagkapasok namin ng school nila kahit hindi pa umpisa ang ceremony. "Sure ka bang dito na agad tayo?"


"Hindi." Sabi ko. "Pero dito nalang tayo para safe."


"Hindi ba muna natin ibababa yung bags natin sa designated rooms?"


"Oo nga, ang bigat bigat na kasi. We should look nice and not haggard." Sabi ng isa sa mean girls na dating bumu-bully sa akin noon. 


"Oy, wala tayo sa lugar naten bawas-bawasan ho natin ang pag-iinarte, ano po?" Sabi ko. Napangiti si Phoebe at Sam sa akin. Pero kahit sila, may takot na nakapinta sa mukha. Kaya tayo kinakantsawan eh.


"That's right. Siya ang in-assign ng SC President to take care of us all. She is in-charge." Sabi ni Phoebe habang nakapamewang sa pila. "We are a hundred, so 10 students from St. Mary per section dito sa New Gen ang set-up naten." Hiningi ko ang tulong ni Phoebe para sa task na ito.



Buti na lang nandito si Phoebe.



Ano ba kasing alam ko? Angas at ganda lang alam ko, wala akong alam sa leadership.



Hay, kung alam ko lang na si Merielle Saavedra from Quezon Province, ay mamomoblema ng ganito, edi sana hindi na lang ako nag-aral.



Charot.


Mamumura ko pa yata sila bago ako makapag-lead ng isang bultuhang estudyante.


Peste ka talaga, Damian. "Tama, makinig kayo sakin... bale..." hiniram ko yung papel na listahan kay Phoebe. "Nag-assign kami ng room leader/coordinator per class, para mas mabilis ko kayon ma-reach tungkol sa mga reports or concerns ninyo. Room leaders, taas ang kamay."

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon