"Uy ang aga natin ngayon ah." Bati sa akin ni Manong guard nung pumasok ako ng gate.
Nginitian ko lang siya at proud na proud na naglakad papuntang building ko.Tinignan ko yung malaking orasan sa guard house at sobra akong natutuwa dahil 30 minutes akong maaga!
Dahil nga maaga ako at hindi pa bukas ang mga room, tatambay muna ako sa canteen. Sinalpak ko yung earphone sa tenga ko at nilakasan pa yung volume ng kanta.
"Oh, it's so sad to think about the good times... you and I..." sinasabayan ko yung kanta at wala akong pakialam kung maririnig ako ng mga passers by. "And baby not we got bad blood, you know it used to be mad loooove... so take a look what you've done... and baby now we got bad blood hey--"
"Ate, start na yung Flag Ceremony." May estudyanteng estranghero na kumalabit sa akin sabay turo niya sa daan papuntang school ground. Doon ko lang rin napansin yung iba na naglalakad papuntang school ground para sa weekly flag ceremony. Monday nga pala ngayon.
"Salamat." Sabi ko sabay ngiti. Pinatay ko na rin yung tugtog ko at sumabay sa alon ng mga estudyante para sa ceremony. Paniguradong isang oras na naman ang itatayo namin sa ilalim ng araw para makinig ng mga announcements.
Nakita ko sa dulo ng linya ng section A sina Phoebe at Samuel. "Good morning!" Maganda kong bati sa kanila.
"Good morning, Peaches." Nakangiting tugon naman ni Samuel. Jusko Samuel masyado nang maganda ang aking umaga para pagandahin mo pa lalo.
Nag-umpisa na ang 15-minute ceremony at syempre, as usual, after nun ay nag-stay pa kami para makinig ng mga announcements.
"Himala, hindi ka na-late ha. What did you eat last night? Did you even sleep?" Tanong ni intrimidang Phoebe.
"Natulog ako ng 8 hours, ulam namin menudo kagabi, at hindi himala ang pagiging maaga ko today dahil araw-araw na akong ganito starting ngayon." Sabi ko sa kanya. "I, thank you."
Magko-comment pa sana si Phoebe sa sinagot ko kaso nangibabaw yung masakit sa tenga na failure ng microphone sa stage at doon natuon ang atensyon namin.
"Students of St. Mary High School, listen to the few important things that you need to be informed of. This Third Quarter, our school is one of the participants of the upcoming Annual School Visit. Traditionally, our school was always the host and visited by other participants, but this year, due to certain circumstances, the tradition will be changed."
Maraming nag-react sa pagbanggit ng School Visit pero mas lumakas ang boses ng mga students nung sinabi ng School Director ang tungkol sa tradition. Syempre, kami ni Samuel ay nganga at walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
"I haven't had the chance to read something about this event from the manual." Sabi ni Samuel. "What's going on, Phoebe?"
"Oo nga." Sabi ko naman. "Ano bang meron, parang may bibisita lang naman ha?"
"Hell is going on, guys. You have no idea." Yan lang ang sabi ni Phoebe habang focus na focus siya sa nagsasalita sa stage. "Manahimik muna kayo at makinig."
"Students who will be given the chance to visit other schools will be handpicked by the Student Council President. For more information and guidance, let me give the stage to the new SC President, Damian Anton Samaniego." Sinundan iyon ng masigabong palakpakan at hiyawan. Nakuha bigla ang atensyon ko sa lalaking papaakyat ng stage.
BINABASA MO ANG
Ms. Transferee Meets Mr. SC President
Novela JuvenilKaya naman sana ni Merielle ang buhay transferee sa isang elite school. Ang hindi kaya ng powers niya, ay ang mga mala-artistang schoolmates, bullies, love problems, at school wars na hindi naman niya dapat problemahin! Mag-iiba ang takbo ng buhay-e...
