FOUR DAYS AFTER / NEW GENERATION OF HOPE ACADEMY / SECTION 8
"What do you think is the meaning of the last two lines of the poem?"
Napalingon ako sa mga nagtaas ng kamay nung nagtanong yung English Teacher. Halos lahat sila nakataas both from New Gen and St. Mary.
At ako? Nakatungo lang. Actually, gusto ko naman ang English Literature, ayun nga lang, wala ako sa wisyo at pagod na pagod ako dahil apat na oras lang ang tulog ko.
Apat na araw na kaming pumapasok sa New Gen, at nakaisip ng panibagong torture si Damian para pahirapan ako. At iyon ay i-record lahat ng concerns, achievements, reports ng mga students ng New Gen. Isama mo pa yung mga kaliwa't-kanang sumbong sa akin ng mga schoolmates ko dahil unti-unti nang nambu-bully ang mga New Gen.
"You seemed to be far away, Miss. Why don't you answer my question?"
Yung siko ni Sara yung nagpabalik sa akin sa katinuan. "Ano ho 'yon?" Tanong ko sa teacher na nasa harap ko. "Ako po?" Yung tingin ng teacher ang nagpatayo sa akin kaagad
"What's your name?"
"Ah, Merielle po."
"Merielle. Answer my question. Please remember: English Only Policy for this class."
Dahan-dahan akong tumayo. Anong tanong? "What's the... what's the question, Maam?"
Gusto ko naman talaga makinig. Hindi lang kaya ng pagod ko. "The last two lines of Robert Frost's poem, Merielle. Can you tell us what you think about it?"
At this point, hindi ko alam ang isasagot ko. Binasa ko nang binasa yung last two lines ng tula, pero hindi ko ma describe yung gusto kong isagot. Napapikit ako habang nagdadasal sa lahat ng mga klase ng dyos, please lang. Paganahin niyo utak ko.
I took the one less traveled by,
And that has made all the difference.
"The Road Not Taken is a poem about making choices and having regrets about the decisions we make in life." Ayun lang ang sabi ko. "The last two lines are powerful because..."
"Because?"
Sana nandito si Samuel para sa English factory kong nangangalawang. Please, Merielle, kailangan mong magpakitang gilas. Ikaw na lang ang laging kulelat at simula nung napatawag ako ni Mr. Baldivia, maiinit na mata saken ng mga teachers.
Ayoko namang ipahiya ang school ko.
Brain cells, assemble!
"The choices that may not be favored by the many will be rejected, hated, or canceled, but sometimes these kind of choices will make a difference, sometimes these choices are the best choices made."
BINABASA MO ANG
Ms. Transferee Meets Mr. SC President
Novela JuvenilKaya naman sana ni Merielle ang buhay transferee sa isang elite school. Ang hindi kaya ng powers niya, ay ang mga mala-artistang schoolmates, bullies, love problems, at school wars na hindi naman niya dapat problemahin! Mag-iiba ang takbo ng buhay-e...