CHAPTER 42 : I Can't Breathe!

243 8 7
                                        


SAAVEDRA RESIDENCES / Saturday Morning



"Merielle, hindi ka pa ba babangon?" Isang malakas na yugyog ang naramdaman ko nagpagising sa kalahati ng katawan at diwa ko. 



"Hmmnnggg." 



"Aba't sabi mo gisingin kita nang maaga dahil may lakad ka."



"Hmmngg, next time na lang." Sabi ko at sabay talikod sa pinanggagalingan ng boses na 'yon. Gusto ko pang bumalik sa panaginip kong umuulan ng empanada at pizza.



Maya-maya pa at naramdaman ko na naman 'yung pagyugyog sa akin. "Hnnngg, mamaya na, sabado naman. Pagod po ako sa school..."



"Pero nandito na 'yung kaklase mo kanina ka pa hinihintay." 



Mabilis na dumilat ang mga mata ko at mabilis na napatayo. "A-ano po 'yun tita?"



Nakapamewang siya sa akin habang nagdadampot ng mga maruruming damit ko. "Ang sabi ko kanina pa 'yung kaklase mo sa baba hinihintay ka." Tapos non hinarap niya ako. "Buti umalis na ang Papa mo at hindi na niya nakita, kaya pinapasok ko na ang manliligaw mo." Sabay kindat sa akin.



Mabilis akong umalis ng kama at napatakbo sa baba. Nandoon ko nakita sa sala ang nakaupo, unbothered, kalmado, at abalang nagbabasa ng dyaryo si Damian. "K-kanina ka pa?!" Bulalas ko sa kanya.



He just looked up at me then raised an eyebrow, like always. "Your mother invited me in because apparently you're still in bed..." Tapos non tinignan niya 'yung relo niya. "We should go now, it's already 9:30."



Shit. Anong oras pa siya nandito? Sabi pa naman niya alas otso dapat nasa byahe na kami. Pakalma-kalma lang 'yan ngayon, mamaya pag kaming dalawa na lang, halimaw mode na naman siya.



"Teka, teka lang!" Kumaripas ako sa kusina para kumuha ng juice sa ref. Mabilis ko itong nai-serve sa kanya. "Maliligo at magbibihis pa ako, give me 15 minutes!"



He looked like he's running out of patience, pero dahil nasa teritoryo ko siya, mukha siyang mabait. Sorry, Damian. Mamaya mo na lang ako talakan sa labas! "15 minutes starts now."



Bumalik agad ako sa taas para maligo at magbihis ng mabilis. Medyo natagalan lang akong mamili ng susuotin at sa hindi ko malaman na dahilan na kailangan kong mag-ayos. Kasi siya ang kasama ko. 



Nakaka-pressure din naman kasi 'yung porma niya ngayon. Nakakahiya naman kung magbibihis lang ako ng parang basahan. Ang pogi ng dating niya ngayon tapos ako---

Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon