CHAPTER 7 : Secrets

953 31 3
                                    


"H-hoy, ikaw 'yun diba?" Buti naalala kong nasa library ako, kundi napasigaw na ako ng bongga sa gulat at kaba. 



Siya 'yung guy na kasama ni Phoebe kaninang umaga sa may ano! Oo basta siya yun eh!



Biglang tinakpan niya yung bibig ko. Then tumabi siya sa akin.



Oh my gosh aligasgas, what's this? what's going on?!



"Hmmp! Mmmp!" Pilit kong tinanggal ang kamay niya sa bibig ko at sinamaan siya ng tingin. Ayoko na agad sa ugali niyang maangas na ewan!



"Shh, manahimik ka nga. You shouldn't be speaking so loud, transferee. Papagalitan tayo ng librarian dito sige ka." Mahinang sabi niya sa akin. Napahinto ako tapos lumayo ako ng upo sa kanya.



"Hindi mo kailangan takpan ang bibig ko ng ganon." Sagot ko sa kanya. Inirapan ko siya then tumayo na ko. Ay naku, ayoko na gumulo sa gulo nilang napakagulo!



"Sandali lang, Miss..." Sabi niya. So napahinto ako sa paglalakad. Gusto ko nang umalis!



"Bakit?" Tanong ko.



"I know that you've seen me with Phoebe this morning, pwedeng secret na lang muna natin 'yun?" Sabi niya tapos nag-gesture pa siya na parang nilagay niya 'yung daliri niya sa bibig niya.



"Sorry pero hindi ako marunong magsinungaling." Sinabi ko ng walang preno at agad agad na lumabas sa Library.



Pero hindi ko rin naman kayang sabihin kay Kyle yung totoo at nalaman ko.



Natatakot ako. Naguguluhan. Alam kong hindi dapat manggaling sa akin yon eh. 



Dapat kay Phoebe. Dapat sa kanya. Bakit niya ba nagagawa kay Kyle yun? Pati yung sa lalaking yun? Ang ganda naman talaga ni Phoebe, pero sapat na reason ba yun para mag-sabay ng jowa?



Lalong sumampal sa akin ang kapangitan ko. Sana all, may jowa. Kahit isa lang, hindi ko pa magawang makahanap. Pero teka...



Pano niya nagagawang paikutin si Kyle? 



Pagod na pagod na yung isip ko sa kakaisip ng di ko dapat isipin. 



Gulong gulo na ko aba!


Ms. Transferee Meets Mr. SC PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon